Chapter 25: Our Moment

270 35 19
                                    

Kainis! Baka maniwala si Manuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kainis! Baka maniwala si Manuel.
Pero hindi ko siya masisisi. Maraming nagtatanong samin sa school kung ano nga ba ang status namin ni Luke at sasabihin lang naming boy friend ko siya at girl friend niya ko. Don't get me wrong magkaibigan lang kami. Ginagawa lang namin yon para wala ng mga asungot na nagbibigay sakin ng mga bulaklak at mga stalker na umaaligid pero noong naging sila na ni Nath malimit nalang kaming nagkakasama. May pagkaselosa kasi ito but we still keep in touch pa rin naman kaya okay lang.

"Hahaha narinig mo yun Manuel? Ang landi talaga niya! Ba't hindi mo nalang sila patayin para matapos na ang kati ng higad nato!" nakangising sabi ni Stella.

Makita ko namang natuod lang si Manuel na nakatingin sakin.

"Manuel magpapaliwanag ako!" sabi ko at humakbang papunta sa kanya.

Nakita ko namang umatras siya at tumalikod sakin.

"Manuel.." mahinang sabi ko.

Natulala ako. Hindi nakaligtas sakin ang paglandas ng butil ng luha sa pisngi niya bago siya umalis. Parang pinipiga ang puso ko.

"Ella bakit ka umiiyak?" Luke asked.

"Ahm.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko wala akong lakas pero niyakap lang ako ni Luke.

"Siguro nga totoo ang sinasabi ng babae at nung Manuel. Na asawa mo na siya. Hindi ako makapaniwalang may asawa kana talaga Bella, huli na pala ako!" sabi ni Luke na nagpatuod sakin.

Bumitaw ako sa yakap at kunot noong tiningnan siya ng maiigi ng bigla itong tumawa.

"Gotcha! Ahaha if you could have seen your face haha Bella so epic!" tawang-tawa na sabi ni Luke.

He caught me off-guard.

"Tss.. Isa ka ring baliw eh!" sabi ko at pinaghahampas siya.

"Ewww..dito pa talaga kayo naglandian ha! Malanding higad talaga," sabi ni Stella.

"Hindi mo ko kilala Stella baka itong malanding higad nato ang magpapabagsak sayo!" seryosong sabi ko.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon