Chapter 27: Jealous Wife

277 30 6
                                    

Nakangiti akong pumasok sa bahay ngunit nawala rin ng makitang ang lagkit ng tingin ni Nathalie sa katawan ng asawa ko habang umiinom ng tubig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakangiti akong pumasok sa bahay ngunit nawala rin ng makitang ang lagkit ng tingin ni Nathalie sa katawan ng asawa ko habang umiinom ng tubig.

Putek sarap sabunutan ng bruha!
Akin lang yan! Ako lang dapat ang nakakakita ng mga yan!

Gigil na gigil akong pumunta kay Manuel.

"Ahem! Manuel anong trip yan? Ba't wala kang pang itaas?" nakataas kilay kong tanong sa asawa ko.

"Nag-igib at nagsibak ako ng kahoy kanina kaya basang-basa ang damit ko kaya hinubad ko nalang baka magkasakit pa ako!" cold niyang sabi.

"Ahh ganun ba? Sige akyat kana ng makapagbihis ka!"

Tumalima naman ito at pumunta sa taas.

"Ahm..yun ba ang asawa mo Bella?"

"Oo! Bakit?" mataray kong sagot.

"Ahh..hehe wala lang! Ang hot niyang tingnan!" nakangising sabi ni Nath.

"Eh kung kalbuhin kaya kita jan? Tingnan natin kung sino ang hot tingnan!" nanggagalaiti kong sagot.

Natakot naman si Nathalie kaya dali-dali itong umalis. Bigla namang dumating si Luke.

"Anong mukha yan? Bakit parang mukhang papatay ka?" Luke asked.

Napatingin naman ako sa gawi niya at nakitang wala rin siyang pang itaas.

Wooh!! Ang hot din ng bestfriend ko pero mas hot ang asawa ko!

"You can touch it if you want!" nakangising sabi ni Luke.

"Can I?"

"Sure! Anything for my lovely Girl Friend!" nakangiting sabi niya.

Tss..hindi pa ba siya tapos sa girl friend na yan? Baka marinig pa siya ni Manuel, kung ano pang pumasok sa kokoti non.

Nakangiti akong pumunta sa kanya at bigla siyang binatokan!

"Akala mo ha! Magbihis kana! Alam mo namang ubuhin ka matuyuan ka pa ng pawis!" nanggigigil kong sabi.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon