Chapter 15: The Meeting

276 50 3
                                    

Bella's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bella's Pov

Kahit anong gawin namin wala pa rin kaming takas. Walang gustong tumulong samin. Walang makakatulong samin. Nakatakas nga kami sa mga Evans, mamamatay naman kami sa mga baliw sa labas.

Naglalakad kami ngayon pabalik ng bahay habang karga-karga ni Manuel si Bea. Napatingin naman ako sa kanya.

Akala ko', yun na ang katapusan ko!Siya ang kahuli-hulihang taong inexpect ko na makikita pero dumating siya, dumating ang asawa ko. Para naman kay Isaac! naaawa man ako sa kanya pero wala akong choice papatayin niya rin kasi kaming lahat buti na lamang may nakita akong pamana at palaso sa gilid. The world is a jungle its either you fight and dominate or hide and evaporate, Survival to the fittest!'

Nang malapit na kami sa bahay ay sinalubong agad kami ng mga kamag-anak ni Manuel.

"Mga traydor ng pamilya! Sunugin sila!" nanggagalaiting sigaw ni Stella.

Tss..di siguro nakamove-on sa pagpalo sa kanya ni Bea, kitang kita pa rin kasi ang malaking bukol sa noo niya.

"Oo nga Manuel! Mga lapastangan!" sabi ni David na asawa ni Stella.

"Parusahan ang mga yan!" sigaw ni Michael.

"Katayin!" nakangising sabi Duke.

"Kainin nalang kaya natin ang mga yan!" sabi ni Auntie Lucy.

Naiiyak ako sa mga pinagsasasabi nila. Lumapit ako kay Manuel at nihawakan ang kanyang damit. Natatakot ako sa pamilya niya. Lalong-lalong na sa sinabi ni Duke at Auntie Lucy.

"Tahimiiiik!" sigaw ni Manuel kaya tumahimik naman ang lahat.

"Wala muna tayong gagawin sa kanila. Magpupulong ang pamilya para malaman kung ano ang ihuhusga sa dalawa. Jorge tawagan mo si Uncle Henry sabihin mong nahanap na ang dalawa at magpupulong tayong lahat," sabi ni Manuel na tinanguan naman ni Jorge.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon