Chapter 21: The Truth

265 49 3
                                    

Naguguluhang tumingin ang dalawa sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naguguluhang tumingin ang dalawa sa kanila.

"Bakit ba parati niyong binibida ang special meat niyo eh baboy ramo lang naman yun!" nagtatakang tanong ni Bea.

"Hahahaha.. Yun ang akala mo!" tumatawang sabi ni Stella.

"Ang creepy naman ng tawa niya! Ano kaya ang special meat na sinasabi nila at maypa special sauce pa sila?" mahinang tanong ni Ashley.

"Deritsuhin niyo na nga! Ano ba talaga ang special meat na tinutukoy ninyo?" sigaw ni Bea.

"That's for us to know and for you to find out! Hahaha," nakangising sabi ni Stella.

Sarap ingudngud ng bruha!

"Halina kayo at ihanda na natin ang special sauce baka sa kasal pa tayo makakakain ng matinong pagkain. Narinig niyo naman ang sinabi ni Matthew!" sabi ni Auntie Lucy na nagpanginig sakin.

Pumunta na silang tatlo sa kusina at ako naman ay naiwang naupo lang sa sala habang ang dalawa kong mga kaibigan ay nakatayo habang nakapameywang.

"Bella! May alam ka ba sa mga pinagsasabi nila?" Bea asked.

"Oo nga! Nahahalata kung kapag nasa hapag kainan tayo o kung pinag-uusapan lang ang pagkain ay naduduwal ka! Hindi ka naman mapili sa pagkain ah!" natatakang paliwanag ni Ashley.

"Sabihin muna ang dapat naming malaman Bella kaysa naman malaman pa namin sa iba! Hindi ganun ang magkakaibigan at walang sekretong hindi nabubunyag kaya kung may alam ka sabihin mo na! Kaysa naman kumakain kami ng mga pagkaing hindi namin alam! Iba ang kutob ko sa special meat nila!" sigaw ni Bea sakin habang niyuyugyog ako.

Huhuhu ito na ba talaga? Is this the moment of Truth? Nothing but the truth?

"Okay! Okay! Sasabihin ko na! Huhuhu Una sa lahat Sorry! Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin ang totoo huhu," naluluhang sabi ko ngunit sumabat agad si Ashley.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon