Chapter 18: The Punishment

275 46 5
                                    

Bella's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bella's Pov

Nandito kami ngayon sa hapagkainan.

Putek! Nasusuka ako!

Bigla naman akong siniko ni Bea.

"Ano bang nangyayari sayo? Ba't parang nasusuka ka sa mga pagkain?" nagtatakang tanong ni Bea.

Putek! Naman Erase! Erase! Erase!
Bella hindi yan isang tao! pagsisinungaling ko sa sarili.

Hindi pa pala alam ng mga kaibigan ko na ang kinakain namin simula pa noong bagong kasal ay isang TAO.
Hindi ko rin pinaalam sa kanila na walang nangyari samin ni Manuel sa unang araw ng kasal. Alam ko kasing malikot ang dila ni Ashley at nagpapasalamat naman akong hindi ko sinabi.

Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!

"Wala to!" sagot ko kay Bea at ngumiti ng pilit.

"Napapansin kong parati kang nasusuka kapag nakakakita ng bulalo at dinuguan Bella. B-Buntis kana ba?" nakangiting tanong ni Ashley na nagpaagaw ng atensyon ng lahat at tumingin sakin.

Putek ka Ashley! Masabi mo pa kaya yan kapag nalaman muna kung anong klaseng karne yang kinakain mo!?

"Hindi noh! Hindi pa kasi kami kumakain ng agahan kaya magpruprutas nalang po ako baka po kasi mabigla ang tiyan ko," ngiting-pilit kong sabi.

Hala! Anong konek bella? Syonga ka talaga! Sabi ng konsensya ko.

"Sabagay! Wag biglain ang tiyan! Itong sabaw higupin mo para mainitan ang tiyan mo," sabi ni Auntie Claire at inabot sakin ang mangkok na may lamang sabaw ng bulalo.

Putek! Kala ko nakaligtas nako.

Nanginginig kong kinuha ang mangkok.

"Sayang Bella ang sarap pa naman ng niluto ni Auntie Lucy na dinuguan," sabi ni Ashley na sarap na sarap sa kinakain.

"Oo nga Bella, kumain ka ng maigi' Hindi ka ba napagod sa pagtakas natin mula kagabi? kasi ako Oo! Oo!" mahinang sabi ni Bea.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon