Chapter 14: Hunting Isaac

275 52 2
                                    

Manuel's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Manuel's Pov

Di-kalayuan sa tinatahak ko ay may narinig akong putok ng baril. Nanginig ako sa narinig baka kung napano na ang asawa ko. Dali-daling tumakbo ako papunta sa lugar na yon kahit hindi na iyon sakop ng aming teritoryo nang may marinig akong familiar na boses na sumisigaw.

"Tuloong! Tulooooong!"

Naabutan kong nakayuko si Bea habang tinatakpan ang mukha niya gamit ang mga kamay habang humahagulgol. Kinabahan naman ako dahil hindi ko makita ang asawa ko.

"Nasaan ang asawa ko!" sigaw ko na nagpaangat ng mukha ni Bea at biglang lumapit sakin saka lumuhod.

"Manueeeeel...tulungan mo si Bella huhuhu."

"Nasaan ang asawa ko?"

"Kinuha siya ni Isaac, Manuel tulungan mo ang kaibigan ko, Tulungan mo si Bella!"

"Si Isaac? Tsk! ang baliw na yon, kapag may galos lang ang asawa ko kakatayin ko talaga yun ng pinong-pino, Saang gawi sila pumunta?" galit kong tanong.

"Doon! Manuel kailangan mo ng magmadali! Papatayin niya si Bella," turo ni Bea.

Hindi ako papayag, magkamatayan na!

Tinahak ko ang gawing tinuro ni Bea.

"Huwag ka ng sumunod!"

"Ayoko hindi ko iiwan ang kaibigan ko sa baliw na Isaac na yun," matapang na sabi ni Bea.

Tumango nalang ako at umunang naglakad. di-kalayuan ay may natanaw na akong maliit na bahay.

Magtago ka ng baliw ka!

Naglakad nako papunta sa kanyang bahay. Alam kong inaasahan niya ako kaya nagmasid-masid ako ng biglang may lumipad na palaso papunta sakin mabuti na lamang at nakailag ako.

"Hala! Saan nanggaling yun?" tanong ni Bea.

"Mag-iingat ka! Alam kong inaasahan niya ako kaya maraming mga patibong sa lugar nato," sabi ko.

"Putek! Ba't ang hihilig niyo sa mga patibong huhu," sabi ni Bea.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon