Chapter 29: What to do?

281 33 0
                                    

Nagtataka pa rin silang tumingin sakin nang biglang pumasok sa kwarto sina Luke at Nathalie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtataka pa rin silang tumingin sakin nang biglang pumasok sa kwarto sina Luke at Nathalie.

"Oh bakit parang ang dilim ng aura niyo?" tanong ni Luke.

"Si Bella kasi eh', mahal daw niya si Manuel at gusto pa niya ditong tumira!" inis na sabi ni Ashley.

"Ano?? Totoo ba yun Ella?" tanong ni Luke pero tumungo lang ako.

Nakakaguilty!

"Ano ba yung sinasabi mo kanina Bella? Sinong dadanak ang dugo?" tanong ni Bea na nagpaangat ng ulo ko.

"Bukas na ang pagbagsak ni Stella!" nakangising sabi ko.

"Maghunos-dili ka Bella, papatayin mo si Stella?" hindi makapaniwalang tanong ni Ashley.

"Huwag kang padalos-dalos Bella baka mas lalo lang tayong mapahamak niyan!" pagpigil ni Bea.

"Oo nga maparusahan pa tayo and worst baka ikamatay pa natin kapag hindi nagwork ang plano mo!" sang-ayon ni Ashley.

"Sinong maysabing ako ang papatay sa kanya?"

"Ha? Eh sino?" tanong ni Bea.

"Ang asawa niya!"

"Ano?? Nagpapatawa ka ba Bella eh halos sambahin na ni Duke yang bruhang yan!"

"Masasamba pa kaya niya ang bruhang asawa niya kung makita niyang kinakalantari nito ang pinsan niya?"

"May ebidensya ka ba jan Bella? Hindi mo madaling mapapaniwala si David na may namamagitan sa dalawa!"

"Oo nga! Ang galing nilang magpanggap, napaniwala nila ang kanilang pamilya na wala silang relasyon," sang-ayon ni Ashley.

"Bukas ang ebidensya! Kanina kasi habang nagsasampay ako ay nakita ko sa di-kalayuan sina Duke at Stella na nag-uusap tungkol sa relasyon nila at narinig ko rin na bukas ay magkikita sila!"

"Oh my gosh! This is it! Magkakagulo sila tapos tatakas na tayo!" natutuwang sabi ni Nathalie.

"Magaling Bella, panahon na para makatakas tayo dito!" nakangiting sabi Luke.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon