Chapter 1: Mt. Canen

597 103 82
                                    

"Guys ito ang Mt

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Guys ito ang Mt.Canen. Malaki ang kabuoan ng bundok na ito kaya wag kayong lalayo, Okay?! May mga mababangis na hayop na naglilipana dito at marami ng mga mountain climbers at hikers ang hindi na nakababalik dahil sa makipot at mabanging bundok nato kaya wag kayong lalayo ha! At enjoyin niyo lang ang tour nato!" sabi ng head tour guide namin.

Tourism ang course namin kaya mga Dora kami (Mga lakwatsera!).

Ako nga pala si Athena Bella Medalla 22, a Third Year Tourism student at ito naman ang pinakamamahal kong mga kaibigan sina Bea Armenion at Ashley Martinez. Mga pasaway ang mga yan' pero loves na loves ko pa rin ang dalawang ugok na yan haha.

"Girl ang ganda naman dito!" sabi ni Ashley sabay taas ng mga kamay at nagpaikot-ikot habang nilalanghap ang sariwang hangin.

"Oo nga eh! Adventure tayo mamaya!" nakangising sabi ni Bea.

"Girls huwag na baka mapalayo pa tayo."

"Ang kj mo naman Bella' sige na! #Adventure seeker kaya ang goals natin. Akin na ang mga cellphone niyo dapat only with the nature lang tayo!" nakangiting sabi ni Bea saka kinuha ang mga cellphone namin.

Sanay na kami kasi parati na namin yang ginagawa bago pumuslit para daw only with the nature. Tsk! tong babaeng to talaga kahit kailan. Sa katunayan parati na kaming naliligaw kaawaan ng diyos nakakabalik rin naman kami sa mga camp site ng hindi nahuhuli hehe.

"Sige na nga! Basta magdadala tayo ng mapa."

"Ano ka ba naman Bella! Bahala na si Mother Nature sa atin noh! Oh diba sa Mt.Versa nakabalik naman tayo ng walang dalang mapa?" salaysay ni Bea.

Kita mo tong babaeng to napaka adventurous talaga!

"Pag tayo naligaw, patay ka sakin Bea!" banta ko.

"Oo nga Bea' magdala na lang kaya tayo ng mapa ang laki pa naman ng bundok nato! " pa-cute na sabi ni Ashley.

"It's a Big No! No! No! Ano ba naman kayo cheer up! Kaya natin to tiwala lang! Gagabayan tayo ni Mother Nature sa paglalakbay natin!" pursigidong sabi ni Bea.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon