Chapter 20: No More Lies

272 46 2
                                    

Bella's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bella's Pov

Nandito kami ngayon sa sala upang malaman ang resulta kung kanino nga ba mapupunta ang kaibigan ko na si Bea!?

Napatay namin ang tatlong leon pero nakagat naman si Bea, so pano na?

"Hmm..mahirap unawain kung kanino ba talaga siya mapupunta!" sabi ni papa Diego.

"Sa akin siya papa! Napatay nila ang tatlong leon kaya natural na sa akin siya mapupunta!" sigaw ni Miguel.

"Ha ha ha! Nagpapatawa ka Miguel. Hindi ka naman bulag para hindi makitang may nakagat na isa sa kanila kaya sa akin si Bea," sabat naman ni Matthew.

Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha ni Bea.

"Bea! Okay ka lang?" mahinang tanong ko.

"Pano ako magiging okay kung makakasal rin ako sa isang Psycho tapos gagawin ko yung pinaggagawa mo noong nakasal ka kay Manuel," naluluhang sabi niya.

"Sabagay!" pagsang-ayon ko.

Naisip ko naman yung gabing kasal namin ni Manuel hehehe.

Mabuti nalang at maunawain siya noong araw na yon kaya hindi niya ako pinilit na makipagtalik. Nakahinga talaga ako ng maluwag non. Isipin niyo! Nakaya ni Manuel na suwayin ang tradisyon ng dahil lang sa hindi pa ako handa.

Napapangiti na lamang ako habang inaalala ang nangyari hehehehe.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo jan?para kang timang kitang nagmomoment ako," saway ni bea habang pinupunasan ang luha.

"Asus! Wag ka ng magtaka Bea! Baka naman naaalala niya yung unang araw nilang mag-asawa ni Manuel hehehe," panunuyang sabi ni Ashley na kinurot ko naman sa tagiliran.

"Araayy ko!" sigaw ni Ashley na nakakuha ng atensyon sa lahat.

"May problema ba mahal ko?" sabi duke na nagpangiwi kay Ashley.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon