Chapter 16: The Consequence

278 48 7
                                    

Nakatingin pa rin sakin ang mga kamag-anak ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin pa rin sakin ang mga kamag-anak ko. Naghihintay kung ano ang ipaparusa ko sa asawa ko.

"Dapat naming makita ang ipaparusa mo sa iyong asawa Manuel!" sabi ni Jorge na sinang-ayunan ng lahat.

"Hindi niyo pwedeng makita dahil ginagawa lang iyon ng mga mag-asawa! naiintindihan niyo naman ako diba papa?" sabi ko at tiningnan si papa.

"Tss..Hindi naman yan parusa eh, tsaka nagawa niyo na yan nong bagong kasal!" matapang na sabi ni Stella.

Matalim ko namang tiningnan ang asawa ni David. Isa lang siyang babae, bakit pinangungunahan niya kami.

"Oo nga iho! Iba na lang ang gawin mo yung magtatanda talaga ang asawa mong huwag tumakas!" sabi ni papa.

"Manuel pwede ka naman humanap nalang ng ibang mapapangasawa. Unang kita ko palang sa iyong asawa masama na ang kutob ko, ayaw ko sa napili mo!" bulgar na sabi ni Auntie Lucy.

"Pasensya na Auntie Lucy ngunit hindi ko po siya ipagpapalit, siya pa rin po ang pipiliin ko," buong sagot ko.

"Ganito nalang! Magbotohan nalang tayo kung sino ang sang-ayon sa ideya ni Manuel o sa ang parusahan si Bella."

Tss dehado ako rito silang lahat gustong parusahan si Bella!

Namamawis ang kamay ko. Isa-isa silang nagtaasan ng kamay. Kami lang ni Miguel ang hindi sumang-ayon.
Kumunot naman ang noo ko ng makita si Miguel na parang hindi mapakali parang may gustong sabihin.

"Majority wins paparusahan si Bella. Ano ang gusto niyong gawin sa kanya maliban sa katayin kasi asawa parin siya ni Manuel kaya wala tayong karapatang patayin siya maliban kay Manuel kong magsawa na siya," sabi ni papa.

"Latiguhin!" Sigaw ni Michael.

"Ipagtuos sa leon!" nakangising sabi ni Duke.

Tiningnan ko lang siya ng matalim na parang sinasabing kahit pinsan kita papatayin kita.

"Parang gusto ko yan!" Sabat naman ni Stella.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon