Ngayon na ang araw nang kasal namin. Madaling araw pa lang ay napagpasyahan ko nang manghuli na nang usa kasama si Manuel.
Ang hirap nga eh, ang bilis tumakbo! Patience is a virtue talaga! Nakahuli naman ako ng isa sa awa ng diyos! Syempre sa tulong ni Manuel.
Inilagay naman namin ito sa malaking sako.
"Manuel ang hirap naman ng mga tradisyon niyo?"
"Ganyan talaga! May paniniwala kasi kami na ang usa ang hari ng kagubatan dahil malimit lang itong nakikita. Makikita mo lang ito sa kinaibuturan ng kagubatan."
"Wee? Rare ka diyan, parati nga kayong maydalang usa eh!"
"Kasi biniyayaan kami Bella. Sinusunod kasi namin ang mga tradisyon at batas ng mga Evans,"
Anong konek? Hmm.. Sabagay may kanya-kanya tayong mga beliefs. Pero tama ba yung narinig ko EVANS? Evans ang apelyido niya, Sosyal naman pang Hollywood!
"Ano bang ginagawa ninyo sa nahuhuli niyo?"
"Kinakatay at ibinibenta sa karatig bayan ni papa."
Napatango nalang ako. "I see! Ang papa mo lang ba ang pumupunta sa bayan?"
"Oo, siya kasi ang nakikipagtransaksyon sa mga kustomer."
"So hindi ka pa nakakapunta sa bayan?" Nakita kong natigilan siya.
"Nakapunta na noong bata pa lang ako. Isinama kasi kaming dalawa ni Miguel nina mama at papa sa palengke."
Nakita kong pilit siyang ngumiti.
"Sa naaalala ko ang ingay ng paligid, masikip, nagbabanggaan ang mga balikat ng mga tao ngunit hindi sila nag-aaway sa katunayan parang ang sisigla pa ng mga mukha nila. Masaya silang nagtatawaran sa kanilang mga suki k-kaya lang.."
BINABASA MO ANG
The Psycho Brothers (On-going)
Mystère / ThrillerMt. Canen Isang masayang camping trip ng Salazar University. Ngunit paano kung ang isang masayang trip ay maging bangungunot para sa tatlong magkakaibigang Bella, Bea at Ashely. Isang bangungunot na magpapabago ng mga buhay nila. Na sa napakagandan...