Chapter 3: His Slap

493 88 39
                                    

Naalimpungatan ako dahil parang lumilindol ang higaan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalimpungatan ako dahil parang lumilindol ang higaan ko.

"Hmmm.. Anobayan!" saway ko at tumalukbong ulit.

"Bella! Gising na tanghali na!" Yugyog ni Ashley.

"Hmm.. 5 minutes Ashley!" sigaw ko sabay takip ng kumot.

Ang aga naman yatang dumalaw ni Ashley, may gala ba kami ngayon?

"Wow ha! Nabagok lang yang ulo mo nag-ala sleeping beauty ka na diyan, bangon na!"

Napilitan nalang akong bumangon.

"Aray! Ang sakit ng ulo ko!" sabi ko sabay hilot ng sentido.

Maya-maya ay nag sink-in sa'kin ang sitwasyon namin ngayon. Tsk! Nahimatay na naman pala ako.

Sinong hindi hihimatayin? May instant asawa na agad ako! Juskopo! I'm not ready at ang malupit sa mamamatay tao pa talaga! At heto pa hindi man lang ako sinalo ng hinayupak na 'yon, ang sakit tuloy ng ulo ko, nabiyak yata.

"Bella, ok ka na ba? Dinalhan kita ng makakain," tanong ni Ashley.

Nakita kong kinuha niya ang pagkain sa small table at inilapag sa harap ko ang pagkain.

"Ok na'ko. Salamat Ashley," pasalamat ko at kumain.

"Wala yon pero maiba tayo Bella, s-salamat ha!"

"Para saan?" tanong ko habang ngumunguya.

"D-Dahil pinili ka ni Manuel na maging asawa niya, kung hindi malamang pinaglalamayan na tayo."

"Wow ha! Dapat ba pa akong ma flattered dahil ako ang pinili niya?Pwes neknek niya!"

"Hindi mo naiintindihan Bella, nagpapasalamat ako kasi may piniling isa sa atin."

Ano daw? Bakit naman?

Mas naguluhan ako sa sinabi niya.

"Wala akong maintindihan Ashley, Anong ibig mong sabihin? Diba dapat naman talaga mamimili siya sa ating tatlo?"

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon