Chapter 22: The Intruders

286 50 6
                                    

Dumating ang mga lalaki at nakita kong may pasan-pasan si Manuel na babae at si Duke naman ay lalaki pero hindi ko makita ang mga mukha nila pero basi sa tikas ng mga pangangatawan nila alam kong maganda at gwapo ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumating ang mga lalaki at nakita kong may pasan-pasan si Manuel na babae at si Duke naman ay lalaki pero hindi ko makita ang mga mukha nila pero basi sa tikas ng mga pangangatawan nila alam kong maganda at gwapo ito.

My gracious! Anong gagawin nila sa mga yan? Huhuhu wag naman sanang yan ang stock special meat namin!

"Oh nariyan na pala kayo. Yan naba ang lulutuin ko?" Auntie Claire asked.

"Nagpakulo na kami ng tubig para madaling lumambot!" sabat ni Auntie Lucy.

"Bwak..ack.ckk!"

Nakita ko namang parang masusuka si Ashley kaya dali-daling pumunta sa banyo. Tiningnan ko naman si Bea at nakitang namumutla siya at pinagpapawisan. Yumuko lang ako! At ngumisi. Dahan-dahan namin silang papatayin.

"Wow! dalawa? Amazing! Magluluto ako ng marami!" nakangiting sabi ni Stella.

"Nakita namin sila na pagala-gala sa may west side ng teritoryo hindi naman kami nagkaproblema na dakpin sila kasi nabitag na sa isa sa mga patibong natin ang paa nung lalaki kaya hirap na siyang makalakad," Duke said.

Tiningnan ko naman ang paa nung lalaki at nakitang ang laki ng sugat niya sa papa parang hiniwa. Ano kaya ang mga patibong nila sa kagubatan?

Dehado kami kung sa kagubatan kami pupunterya kaya sa loob kami aataki hehehe.

"Feeling ko magkasintahan to na hikers pero sorry nalang sila kasi sa kaldero sila mapupunta ahahaha," nakangising sabi ni Michael.

Hahay! Mga baliw na cannibal talaga tssss.. Dumating naman si Ashley na mugto ang mga mata.

"Ilagay niyo na ang mga yan sa basement ng mapag-usapan na natin kung anong gagawin sa babae," sabi ni Papa.

Tumalima naman sila at isa-isang pumunta na basement.

Hala! Ba't sa babae lang? Pano naman ang lalaki?

Nakita ko namang ang laki ng ngiti ni Stella sa dala ni Duke na lalaki habang nakasunod dito kaya kami nalang tatlo ang nandito. Hahay! yaan na nga lang! Isa din kasi yang certified baliw na cannibal. Napahinto ako ng mapagtanto. Wag mong sabihing kaya ganyan ang ngiti niya kasi yan ang ihahapunan namin ngayon? Kaya walang plano sa kanya ang mga lalaki! Putek parang masusuka na naman ako. Ayoko ng kumain huhuhu.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon