Chapter 33: Missing Her

297 27 5
                                    


Nasa hapag kainan kami ngayon at wala akong ganang kumain. Hindi kasi mawaglit sa isipan ko si Bella.

Kumusta na kaya siya?
Kumain na ba siya?

Hahanapin ko ang asawa ko kahit saan man siya magpunta. Mataman kong tiningnan si papa bago magsalita.

"Papa, pwede po bang hindi po muna ako sasama sa transaksyon sa bayan kasi hahanapin ko po sa kabilang bahagi ng bundok at sa kabilang bayan ang asawa ko."

"Hindi pwede Manuel. Hindi ka pwedeng lumabas kasi pinaghahanap na tayo ng mga pulis."

"P-Pulis? Bakit po?"

"Isinumbong na nila tayo."

"Pero nandito lang po sila sa bundok na ito!"

"Iyan ang akala mo Manuel. Isinumbong na nila tayo sa mga pulis at ngayon nga'y pinaghahanap na tayo sa bundok na ito."

Humigop muna ng kapi si papa bago nagpatuloy "Ngunit huwag kayong mag-alala hindi nila tayo mahahanap maliban sa liblib ang lugar na ito ay may ipinadala na akong tauhan para manipulahin ang mapa ng mga pulis."

"Walanghiya talaga ang mga babaeng iyon! Itinuring natin silang kapamilya ngunit ganito ang igaganti nila?!" nanggagalaiting sigaw ni Michael.

"Minabuti namin na sa gabi na lang ang transaksyon sa bayan at kailangan din nating magbull cup at magsalamin, mahirap na."

"Magdi-disguise tayo masaya 'to!" masayang sabi ni Jorge.

"Hahanapin ko po ang asawa ko papa pero huwag po kayong mag-alala mag di-disguise po ako."

"Kung iyan ang gusto mo anak. Huwag kang mag-alala alam namin ang bahay nina Ashley at Bea kaya madali mo na lang makikita ang asawa mo."

"Salamat po papa."

Naka-disguise akong pumunta sa address na ibinigay ni papa. Nakasuot ako ng makapal na salamin, isang lumang sumbrero saka suot ko ang lumang damit ni papa at bota.

Nakakaasiwa nga e kasi pinagtitinginan ako ng mga tao simula pa noong paglabas ko ng sasakyan.

"Ang gwapo ni kuya girl! Bet na bet ko siya pero bakit pang sinauna ang damit niya ano siya si Jack ng Titanic may pa boots pa! Haha."

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon