Chapter 8: Secret Recipe

313 57 10
                                    

Nang biglang dumating si Manuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang biglang dumating si Manuel.

"Asawa ko, halika na kakain na tayo
at ikaw rin Bea ipapakilala na kayo ni papa mamaya bilang mga anak niya," sabi ni Manuel saka umunang pumasok ng bahay.

Tumalima nalang kami ni Bea at pumasok na ng bahay.

Nandito na kami ngayon sa hapag kainan. Masaya silang kumakain at nag-iinuman.

"Isang toast naman diyan para sa bagong kasal! Cheeers!" sabi ni Uncle Henry.

Itinaas naman namin ang aming mga baso.

"Cheeers!" saka ininom ang wine.

"Mmm.. ang sarap ng adobong usa mo, Bella!" puri ni Jorge sa luto ko.

Nginitian ko lang siya.

'Buti pa siya na appreciate niya ang luto ko.

Tumingin naman ako kay Manuel at napangiwi. Sumusubo lang siya na parang wala lang, ni hindi nga niya ginalaw ang niluto ko. Hindi ba masarap?

"Iha? Bulalo oh! Kainin mo pampalakas ng katawan para mamaya," sabi ni Auntie Lucy saka binigyan ako ng mangkok na may lamang bulalo na tinanggap ko naman.

Nanginig naman ako sa sinabi niya. Juskopo! Mamaya ang bataan!

"Oo nga asawa ko, Magpalakas ka para mamaya," bulong ni Manuel sa'kin.

A-Ano daw? Parang gusto ko na tuloy himatayin. Kaloka!

Ngumiti lang ako ng pilit at humigop ng sabaw.

"Dapat Manuel, siguraduhin mong may mabuo agad! Alam mo na!" paalala ni Uncle Charles.

"Aackkk.. ahu! Ahu!" sabay kaming nabilaukan ni Bea sa sinabi ni Uncle Charles. Putek!

"Ok ka lang?" concern na tanong Manuel at hinagod ang likod ko.

Si Bea naman natulala.

"Oo nga naman Manuel, dapat sa pagbalik namin dito. Eh, may mga anak na kayo," dagdag pa ni Auntie Claire.

Isa pa 'to! Eh kung kayo na lang kaya sa posisyon ko! Mga baliw!

"Makakaasa po kayo Auntie Claire," sagot ni Manuel.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon