Chapter 10: Duke's Slap

322 55 4
                                    

Kinaumagahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinaumagahan

Nagising akong wala si Manuel sa tabi ko. Napatingin naman ako sa orasan. Time Check 9:03 AM, tanghali na 'ko nagising.

"Hahay! Kaya naman pala."

Bumaba na ako para mag-almusal.

"Girl pinagod ka ba ng husto ni Manuel kagabi?" panunuyang sabi ni Ashley nang nasa kusina na 'ko.

"Tigilan mo ko! Sapakin kita diyan, e," sabi ko at humigop ng kape.

"Ito girl, oh! Kainin mo," sabi ni Ashley sabay pakita ng dinuguan at bulalo.

Natigilan naman ako at parang masusuka. Putek!

"Bwaak..ack..ack! Ilayo mo nga 'yan sa 'kin!" sigaw ko kaya agad na nilayo ni Ashley ang mga pagkain.

"Omg girl! May nabuo agad?"
shock na tanong ni Ashley na sinapak ko agad.

"Aray ko girl!" daing nito.

"Kulang pa 'yan! Nasaan si Bea?" tanong ko.

"Nagsasampay ng mga damit sa labas, hmm...girl! Hindi niya ako pinapansin mula pa kanina," nakayukong sabi ni Ashley.

"Nagtaka ka pa? Dapat lang noh! Shunga ka kasi!" inis kong sabi.

Nakita kong yumuko ito bago pumalahaw ng iyak. Tsk! Parang bata! Napakachildish talaga ng babaeng 'to! Bahala siya diyan, wapakels!

Umiyak lang siya nang umiyak habang ako naman heto kumakain ng natirang niluto kong pininyahang karne ng usa.

Hmmm...sharaaaap!

Nang biglang dumating si Duke at dali-daling dinaluhan si Ashley. Tss...pabida!

"Mahal! Sino ang lapastangang nagpaiyak sa iyo?" galit na tanong ni Duke.

Tinuro naman ako ni Ashley.

Tsk! Napakachildish talaga ng bruha! Sumbongera!

"Kasalanan ko naman-"

Hindi na natapos ni Ashley ang sasabihin niya kasi mabilis akong sinampal ni Duke.

*Pak!*

Naramdaman ko na lang ang paghapdi ng kaliwang pisngi ko.

Ang sakit! Putek! Napahawak naman ako sa pisngi ko. I don't deserve this!

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon