Naglakad lang kami ng naglakad. Nabuhayan naman kami nang may nakita kaming mga ilaw. Pinuntahan agad namin 'yon at nagalak ng makitang mga bahay ang mga 'yon.
"Thank God! Ligtas na tayo!" sigaw ni Bea.
"Makakauwi na tayo! Sayang hindi natin kasama si Ashley," nakayukong sabi ko.
"Wala na tayong magagawa, Bella. Si Duke na ang pinili niya," sagot ni Bea.
Pinuntahan agad namin ang isang bahay. Kumatok naman ako.
"Tao po! Tao po! May tao po ba rito?" tawag ko.
Napangiti naman ako ng mapagbuksan ako. Isang lola ang tumambad sa 'kin.
"Ineng, anong kailangan nila? Malalim na ang gabi, anong ginagawa ninyo sa kagubatan?" tanong ng matanda habang kinukuskos ang mga mata.
"Pasensya na po sa istorbo, lola. Naliligaw po kasi kami. Nag-camp site po kami dito sa Mt.Canen nitong nakaraang buwan. Taga Salazar University po kami," salaysay ko.
Nakita kong lumaki ang mga mata ng matanda habang tinitingnan ang kabuuan namin ni Bea saka mabilis kaming pinagsarhan ng pinto.
"Hala? Bakit pinagsarhan ako?
mabaho na ba ako?" I asked Bea."Medyo girl! Ako na." sagot ni Bea at kumatok ulit sa pinto.
Pinagbuksan naman kami ng...
"Umalis na kayo rito! Wala akong sasabihin na pumunta kayo rito kaya alis!" sigaw ng matanda.
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin? Nakikiusap po ako tulungan niyo po kami!" pakiusap ko sa matanda.
"Ayaw namin ng gulo, Ineng! Makapangyarihan ang mga Evans sa lugar na 'to!"
"P-paano niyo-"
"Mamamatay ang tutulong sa inyo! Kaya ineng pakiusap. Maawa kayo sa amin ng pamilya ko, umalis na kayo dito," naluluhang pakiusap ng matanda.
BINABASA MO ANG
The Psycho Brothers (On-going)
Mystery / ThrillerMt. Canen Isang masayang camping trip ng Salazar University. Ngunit paano kung ang isang masayang trip ay maging bangungunot para sa tatlong magkakaibigang Bella, Bea at Ashely. Isang bangungunot na magpapabago ng mga buhay nila. Na sa napakagandan...