Chapter 34: Where's the Evans?

258 18 6
                                    

Bella's Pov

(Bella's side noong tumakas pa sila.)

Salamat naman at nakatakas na kami, magiging maayos na siguro ang lahat.

Naisipan namin na isa-isang puntahan ang mga magulang nila Ashley at Bea para ipaliwanag ang totoong nangyari sa amin, na hindi talaga ako ang kumidnap sa kanila kung hindi ang mga Evans at ipaliwanag na isa lang rin akong biktima.

Nang makarating kami sa bahay ni Ashley ay natanaw namin ang mommy niya na tulalang nakatanaw sa bakuran.

"Mommy!" sigaw ni Ashley habang tumatakbo papunta sa mommy niya.

Nakita ko namang napaigtad ang ginang sa gulat at dahan-dahan lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Ashley?" gulat na sambit ni Tita.

Umiiyak na niyakap ni Ashley ang kanyang ina.

"Mommy!"

"Ikaw na ba talaga iyan anak? Hindi na ba ako namamalikmata?"

"Ako na po ito mommy, buhay po ako."

"Saan ka ba nagpunta anak? Bakit nawala ka na lang na parang bula?" pag-aalalang tanong ni Tita.

"Sorry po mommy," umiiyak na sambit ni Ashley at niyakap ng mahigpit ang mommy niya.

"Alam mo bang halos mabaliw kami ng daddy mo kakahanap sa'yo? Bakit ka sumama kay Bella? Hindi mo na ba kami mahal ng daddy mo?"

"Mahal ko po kayo mommy."

"Alam mo bang halos maubos na ang pera natin mahanap ka lang? Marami kaming kinontak na private investigator, detectives at pulis ngunit hindi pa rin nila kayo mahanap. Saan ba talaga kayo dinala ni Bella anak?"

"Magandang hapon po Tita," singit ko.

Nanlilisik naman akong tiningnan ng mommy ni Ashley.

"Anong ginagawa mo ditong babae ka? Anong ginawa mo sa anak ko Bella? Nagtiwala kami sa'yo. Tinuring kitang parang tunay kong anak pero ito ang igaganti mo sa akin?" nanggagalaiting sigaw ni Tita.

Naiiyak na napayuko na lang ako.

Mahal ko ang pamilya nina Ashley at Bea. Tinuring nila akong parang tunay na anak, tunay na parti ng pamilya. P-Pero wala naman akong kasalanan. Isa lang din akong biktima.

"Mommy marami po akong dapat sabihin at ipaliwanag sa inyo pero una po roon ay wala pong kasalanan si Bella sa nangyari sa amin, sa katunayan ay biktima lang din po siya," paliwanag ni Ashley.

"Ano? Hindi kita maintindihan anak."

"Tama po ang anak niyo Mrs. Martinez wala pong kasalanan si Bella, biktima lang rin po siya actually kaming lahat," paliwanag ni Luke.

"Opo, Tita! Isa pong impyernong lugar ang napuntahan namin. Isang bangungunot na ayaw na naming balikan," madiing saad ni Bea habang nakakuyom ang kamay.

Nagdududa naman akong tiningnan ni Tita.

"Mommy pumasok na muna tayo sa loob. Ipapaliwanag ko po sa inyo kung ano ba talagang nangyari sa amin sa bundok na iyon," sabi ni Ashley.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon