Chapter 35: The Baby

382 18 14
                                    

Nakangiting dumating si doktora.

"Good afternoon Mrs. Evans may good news ako sa iyo."

Nagulat naman ako sa tinawag niya sa akin.

"E-Evans?"

"Sorry Bella sa kamamadali ko, Evans ang nasulat kong apelyido mo, sorry," paumanhin ni Luke.

Ayoko ng marinig ang apelyidong iyon. Nandidiri ako, naaalala ko lang iyong mga kinain ko doon at higit sa lahat, mami-miss ko lang lalo si Manuel. Pero goodnews daw, ano kaya 'yon?

"Good news? Ano po iyon doktora?"

"Base on the lab test na ginawa sa'yo, Congratulations Mrs. Evans you're 3 months & 1 week pregnant."

"Ano? B-Buntis ako? You must be kidding doktora!"

"No, Mrs. Evans. Here's the result sa ginawa naming test," sagot ni doktora sabay bigay sa akin ng mga documents.

Nanghihina ang buong katawan kong binasa ang resulta kaya napahiga na lang ako sabay sapo sa noo.

"Take it easy Mrs. Evans, bawal kang ma stress. Nakakasama sa bata. Re-resitahan kita ng mga vitamins at supplementary capsule at kailangan mo iyong inumin para maging healthy si baby," paalala ni doktora.

Napapikit na lang ako, ina-absorb ang sitwasyon ko ngayon.

Dalawa na kami, may baby sa tiyan ko. M-May anak na kami ni M-Manuel.

"Okay po, doktora. Kami na pong bahala sa kanya. Sinisigurado ko pong maiinom niya iyong lahat," ngiting sabi ni Luke.

"Okay, sige. I have some errands to do, I have to go."

"Okay po doktora thank you."

Lumabas na si doktora ng kwarto.

Hindi ito maari! Buntis ako? Paano na?

May nabuo nga!

"No! no! no! Hindi ito pwedeng mangyari. Ako buntis? Paano kung babae ito? Hindi ito maaari, papatayin nila kapag babae ang magiging anak namin ni Manuel!" Lumuluhang napayuko na lang ako.

"Kung lalaki naman, b-baka kunin nila sa akin ang anak ko at itira sa bundok. L-Luke ayokong maranasan ng anak ko ang kumain ng tao. Please, tulungan niyo ako."

"Ella! Ella, calm down! Walang papatayin, okay? Babae man o lalaki ang anak mo. Mabubuhay siya at magiging normal, okay!?"

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon