Chapter 2: Manuel's Choice

517 88 40
                                    

Bella's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bella's Pov


Naalimpungatan akong parang may basa, nakaihi ba'ko? Pero bakit ang lamig ng katawan ko. May kamay ring dumadampi sa balat ko. Ito na ba yung tinatawag nilang Lucid dream? Yung aware ka na nananaginip ka? Pero p-parang may mali. Parang..
para akong pinapaliguan.

Napabalikwas agad ako nang maramdaman ang lamig ng tubig. Ang lamig!

Inilibot ko agad ang aking paningin. Nasaan ako? Parang nasa basement ako. Nanginig naman ako nang makita ang bulto ng isang tao. S-Siya yung.. siya yung sumuntok kay Bea! Hindi totoo 'to! Panaginip lang 'to!

Nanginginig na umatras ako habang yakap-yakap ang hubad kong katawan. Pinapaliguan ako ni Manuel.

"A-Anong ginawa mo sa'kin? Manyak!" naiiyak kong sigaw.

Diyos ko po! Wag naman po sana.
Pinakiramdaman ko agad ang aking katawan. Hay! Salamat mukhang buo pa!

"Hindi ba obvious? Pinapaliguan ka," aniya sabay hakbang papunta sa'kin na may hawak na tabo na may lamang tubig.

"No! No! No! Please..."

Umatras ako nang umatras pero na corner na niya ako. Wala na akong takas. Nang biglang maalala ko ang mga kaibigan ko kaya matapang ko siyang tinulak.

"Nasaan ang mga kaibigan ko?" matapang kong tanong.

Nabitawan niya ang tabo dahilan para mabasa rin siya.

"Shit! Unfortunately, buhay pa naman ang mga kaibigan mo. Pasalamat kayo may nahuling baboy ramo si Miguel kaya yun nalang ang e hahapunan namin."

"Salamat sa diyos at buhay pa sila."

Ngunit ano bang pinagsasabi niyang pasalamat kami dahil may nahuling baboy ramo si Miguel? E papatayin rin naman nila kami kapag naubos na yung baboy ramo. Kailangan na naming makaalis sa lugar na'to.

"May damit diyan! Yan ang suotin mo. Kapag tapos ka na ay pumunta ka sa taas, gusto kayong makausap ni papa," aniya saka umalis.

Gusto kaming kausapin ng papa niya? Nanghihinang napaupo ako sa sahig.

Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga! Mamamatay na talaga kami dito!

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon