Chapter 38: Where's the couple?

206 11 2
                                    

Bella's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bella's Pov

Pagkatapos kong kumuha ng Cenomar ay umuwi na agad ako ng bahay. Nabigla naman ako nang makitang umiiyak si Nene, iyong yaya ng anak ko.

"Ate, mabuti at dumating ka na. Ate, pwede po ba akong mag-leave ngayon at tsaka bukas? May emergency po kasi sa bahay. Sige na naman ate, oh," naluluhang tanong ni Nene.

"Oo sige-sige, Nene. Ano ba kasing nangyari?"

"Inatake po kasi ang tatay. Papunta na po sila sa ospital."

"Ano? Halika ihahatid na kita sa ospital."

"Salamat po, ate."

Dali-dali kaming pumunta ng ospital dala-dala ang anak ko. Naging okay naman ang tatay ni Nene. Mabuti na lang talaga at nadala agad ito sa ospital kaya naagapan ang stoke nito.

Nang biglang nag text si Luke at pinapupunta kami sa opisina niya kasi may ibibigay daw siya kay King.

Pumunta kami sa kompanya ni Luke ngunit habang papunta sa kompanya niya ay nasiraan ako kaya ipinamekaniko ko na muna ang sasakyan ko at napagpasyahang sasakay na lang kami ng Jeep.

Nang marating ang opisina ni Luke ay sumigaw bigla ang anak ko.

"Daddy!" Tumatakbong pumunta kay Luke.

"Baby ko, I miss you," nakangiting sabi ni Luke bago niyakap si King.

Well guys daddy at mommy ang tawag niya kila Luke at Nathalie. Mama naman ang sa akin. Okay lang naman kasi sila na ang naging pangalawang pamilya ng anak ko at diba dito sa pilipinas daddy at mommy ang tawag natin sa mga ninong at ninang natin.

Super spoiled ang anak ko sa kanila. Kung bakit naman kasi wala pa silang anak. Ang tagal na nila saka wala silang problema sa pera kaya pwede silang gumawa ng marami.

"Miss you too daddy at si mommy. Nasaan po si mommy?"

"Nasa Paris ngayon si mommy, baby. Pero ang sabi niya bibili raw siya roon ng malaking car for you."

"Wow! Really daddy?" manghang tanong ng anak ko habang nagtatatalon.

"Yup. So better behave to your mama okay and always love mama."

"I always love mama, daddy. I love her so much." nakangiting sabi ng baby ko.

"Ayiiee mama loves so much more baby ko," nakangiting sabi ko bago niyakap ang anak ko.

Napansin ko namang nag-iba ang itsura ni Luke. Nagshave kasi ito at nagpahair cut ng hindi usual sa pinapagupit niya noon. Bagay naman sa kanya kaya lang nakakapanibago lang parang nag-iba konti ang itsura niya.

The Psycho Brothers (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon