Hindi ko maiwasan na mapatulala lang habang nakasakay ako ngayon dito sa bus pabalik sa probinsya namin. Hindi ko mapigilan na mapaluha lang dahil nasasaktan pa rin ako sa naging pag-uusap namin kanina ni Wayne. Mabuti na lang at nakapatay na ang ilaw nitong bus dahil karamihan sa mga pasahero ay natutulog na. Mabuti na lang din at ako lang ang mag-isa na nakaupo rito sa may dulo, kaya naman malaya akong namnamin ang mga sakit na nararamadaman ko ngayon. Dumadagdag pa nga sa pag-e-emote ko 'yung mahina at mabagal na kanta mula sa radyo ng bus.
Hindi ko maiwasan na alalahanin 'yung panahon kung paano kami nagkakilala ni Wayne.
FLASHBACK
Bakasyon noon, masaya lang kami na pupunta ni Cattleya sa may kabayanan para mamasyal. Ito ang unang linggo matapos ang pasok namin sa pangatlong taon sa high school. Sakto rin na piyesta noon kaya naman talagang masaya kami. Mag-a-alas syete na ng gabi noon.
"Alam mo ba na bukod sa mga peryahan, madami ring mga bakasyonista ang dumating?" masayang banggit ni Cattleya sa akin, hawak-hawak niya pa ang braso ko na tila'y nakayakap na sa akin. "Ang daming gwapong mga binata ang kumakalat ngayon sa bayan; 'yun ang kwento sa akin ni Maliya," pagdudugsong na kwento niya pa. Halos gumalaw na rin ng malakas ang tulay na tinatawid namin dahil napatalon pa siya sa sobrang tuwa.
Itong tulay kasi ang pinakamalapit na daan para makapunta kami ng bayan, kaysa umikot pa kami sa kabilang daanan. Maliwanag ang buwan ngayon kaya naman hindi na namin kailangan ng flashlight.
"Hay naku! Alam mo naman na wala akong oras para diyan. Kung hindi nga lang ako pinilit ni Mama na sumama sa'yo, hindi ako sasama. Mas gugustuhin ko pa na tulungan siya sa kaniyang mga labada kaysa ang gumala ngayon," wika ko na medyo nakabusangot pa. Napipilitan lang kasi talaga ako na sumama ngayon sa kaniya sa bayan. Bukod sa gusto kong tulungan si Mama sa ginagawa niya, wala rin naman akong pera para makapagsaya talaga.
"Alam mo, kaya pinilit ka ng Mama mo na sumama sa akin, ay para naman makita niyang nag-e-enjoy ka rin kahit papaano. Buong taon ka na ngang nakatutok sa pag-aaral mo, eh. Kahit kailan talaga, ang kill joy mo!" sagot naman niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at lihim na napa-irap sa mga sinabi niya.
"Eh, ano pa nga bang magagawa ko, 'di ba? Heto na nga, oh, tumatawid na tayo sa tulay... wala nang atrasan 'to."
Hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa bayan. Tama nga ang sinabi niya, ang dami ngang peryahan, mga food stall, at mga rides. Ngunit, katulad nga nang sinabi ko, panigurado na hindi ako makakapagsaya dahil wala naman akong pera na pwedeng ibili ng mga gusto ko.
"Tara, doon tayo." Agad na hinila ako ni Cattleya kung saan, at hindi na nga ako naka-angal pa. Lumapit lang naman kami sa tindahan ng mga ipit.
Mahaba kasi ang buhok niya at mahilig siya sa ponytail, samantalang ako... mas gusto ko na nakalugay ang buhok ko.
"Uy, girl... pumili ka na; ililibre kita," sabi niya habang hindi nakatingin sa akin dahil abala siya ngayon sa pagpili ng mga pang-ipit.
"'Wag na, ano ka ba!" pagtanggi ko.
"Sige na! Sasakay tayo sa Ferris wheel mamaya, mas maganda kung itatali mo rin ang buhok mo."
"Wala akong pera pansakay sa Ferris—"
"Ililibre nga kita, eh. Sige na, pumili ka na," pagpupumilit niya pa.
Kahit nahihiya ay pumayag na rin ako sa gusto niya. Lagi niya na kasi akong inililibre, eh. Pagdating sa recess naming dalawa, at sa minsang pagsagot niya rin sa pamasahe ko. May kaya ang pamilya ni Cattleya. Ang Mama niya may tindahan ng bigas, habang ang Papa naman niya ay seaman. Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso, siya na lang ang nag-aaral dahil tapos na 'yung mga panganay niya.

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...