KASALUKUYAN lang na nasa loob ng kaniyang opisina si Wayne ng gabing ‘yon. Halos mag-a-alas otso pa lang nang gabi at wala pa siyang balak na umuwi. Balak niya kasi na mag-overtime kahit na wala naman talaga siya na halos gagawin sa araw na ‘yon. Haggang sa magkakasunod na katok sa labas ng opisina niya ang kaniyang narinig na nagpatigil sa pagbabasa na ginagawa niya.
“Come in.” Doon ay unti-unting bumukas ang pintuan at nakita niya si Brent habang nakangiti pa ito nang diresto sa kaniya. Hindi mapigilan ni Wayne na batuhan nang naniningkit na mga mata ang kaibigan saka siya nagsalita, “Ano na naman ba ang ginagawa mo rito? Manggugulo ka na naman ba?” masungit na tanong nito.
“Chill lang naman, Wayne. May mahalaga lang akong sasabihin sa’yo,” sagot ni Brent habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sa lamesa niya.
“Ipagpabukas mo na lang, wala akong balak na makinig sa’yo. Marami pa akong ginagawa,” malamig na saad niya at ibabaling niya na sanang muli ang kaniyang atensyon sa binabasa pero nakita niya na umupo na si Brent sa harapan ng kaniyang working table.
“Mabilis lang ‘to, at siguradong gugustuhin mo rin na malaman ang sasabihin ko.”
Dahil sa sinabi ni Brent kaya napa-angat nang muli ang kaniyang paningin sa kaibigan.
‘He’s expression seems really serious right now. Ano naman kaya ang mahalagang sasabihin niya na hindi niya pwedeng ipagpabukas? Tsk. Baka naman kalokohan na naman ‘to.’
“If that’s nonsense, I will throw this thick folder on your fucking face!” Pagbabanta niya sa kaibigan. Wala siyang tiwala sa sinasabi nito na mahalaga dahil hindi naman niya kilala si Brent na sine-seryoso ang mga bagay.
“Maniwala ka, mahalaga ‘to. Tungkol ‘to sa kaso ni Ms. Devon.”
Awtomatikong napakunot ang noo ni Wayne nang marinig niya ang binanggit ni Brent.
‘Tungkol sa kaso ni Leigh? Ano naman kaya ang nalalaman niya?’
Wayne leaned on his swivel chair and looked directly to his friend. “Go on, I’m listening.”
“Nalaman ko na si Khalil ang hahawak ng kaso sa kabilang kampo na sinampahan ng kaso ni Ms. Devon,” paliwanang ni Brent sa kaniya.
‘Si Khalil na naman? Noong nakaraan ay siya rin ang humawak ng kaso ng kabilang kampo na hinawakan ko.’
“Mukhang hindi talaga titigil ang lalaking ‘yun hangga’t hindi ka niya natatalo. Parang ang laki talaga ng galit ng gago na ‘yon sa’yo,” dagdag na saad pa ni Brent.
“Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang kalaki ang galit niya sa akin, pero wala naman akong pakialam. I’m just doing my jobs, and sa tingin ko naman ay ginagawa niya lang din ang trabaho niya.” Mas pinili na lang ni Wayne na ‘wag masyadong pagtuunan pa ng pansin ang balita na ‘yon dahil wala na rin namang bago pa roon.
“Pero, ang over naman niya yata para kunin ang lahat ng kaso na may kinalaman sa’yo,” komento pa ni Brent.
“That is his way to get his satisfaction, I can’t do anything about it.”
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomansSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...