Sunod-sunod pero mahihinang pagkatok ang iginawad ko sa nakasaradong pintuan nang kwarto ni Wayne kung saan ko dadalhin ang snacks na inihanda ni Manang Susan.
"Come in." Mahinang sagot ni Wayne mula sa loob at 'yun lang ang hinihintay ko para tuluyan ko nang abutin ang doorknob ng pinto at buksan 'yun. Pagkabukas ko ay agad na tumambad sa aking mga mata si Wayne na nakaupo sa swiveling chair sa harap ng lamesa niya habang nakakandong 'yung babae sa may hita niya at saka nakayapos pa ang dalawang kamay sa may leeg ni Wayne.
Medyo natigilan ako nung una sa nakikita ko lalo na nang hindi man lang natinag si Wayne at 'yung babae. Pero pinilit kong makabawi mula sa pag kabigla ko at saka nag pasya nang pumasok sa loob.
"Ito na po 'yung snacks niyo," mahinang sabi ko habang inilalapag ko na doon sa mini sala ng kwarto ni Wayne 'yung dala kong tray. At that very moment, nararamdaman ko na may mga mata na nakatingin sa akin, its either Wayne o 'yung babae niya pero hindi ko na lang 'yung pinag tuunan nang pansin.
Pagkapatong na pagkapatong ko noong dala kong tray sa maliit at babasagin na lamesa ay nag pasya na rin akong tumalikod upang makalabas na ng kwarto na 'yun. Nang aabutin ko na sana 'yung doorknob nu'ng pintuan ay bigla kong narinig 'yung babae na nagsalita.
"I didn't know na may bago ka pa lang yaya dito, Wayne."
Tila ba ay sinadya kong bagalan ang ginagawa kong pag pihit noong doorknob upang marinig ko ang isasagot ni Wayne hanggang sa hindi na nga nagtagal ay nagsalita na ito nang walang emosyon. "Kararating niya lang kahapon."
Doon na nga ako tuluyan nang lumabas ng kwarto niya. Imbes na bumaba pa ako sa may sala ay nag pasya na lang ako na dumiretso sa loob ng kwarto ko na halos katapat lang naman ng kwarto niya. Pagpasok ko doon ay agad kong sinarado ang pinto no'n at dumiretso sa may kama ko kung saan ay pabagsak akong naupo doon.
"Wow. I can't believe him!" Hindi ko maiwasan na masambit ko ang mga salitang 'yun. Well, hindi naman dapat ako magalit kasi hindi naman nanggaling mismo sa bibig niya na bagong katulong ako hindi, katulad nang sinasabi ng babaeng 'yun... nakakainis lang dahil hindi man lang niya itinanggi, 'di ba?
Katulong agad? Hindi ba pwedeng kliyente lang na nakikitira sa bahay? Hays!
Makalipas ang halos ilang minuto ay napag desisyunan ko na lang na maligo na para mawala naman ang pagka badtrip na nararamdaman ko. May sariling banyo ang kwarto na 'to kaya naman hindi ko na kailangan pa na bumaba pa para maligo lang. Dahil wala naman ako masyadong gagawin lalo na at hindi nga ako pinapayagan ni Manang na tumulong sa kaniya sa mga gawaing bahay kaya naman talagang binagalan ko ang pagliligo ko. First time ko lang din kasi maligo na may shower kaya nag enjoy talaga ako. Hindi ko na nga halos namalayan ang oras nang pagliligo ko, kung hindi ako nagkakamali... baka kulang-kulang isang oras ang itinagal ko sa loob ng banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakatapis lang ako ng kulay pink na tuwalya pero meron na akong suot na under garments sa loob. Hindi talaga ko sanay na magsuot ng bra lalo na kapag nasa bahay lang pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil hindi lang ako ang mag-isa na nakatira dito, kasama ko na si Wayne.
May nakapulupot din na puting tuwalya sa buhok ko upang matuyo 'yun agad kasi mag gagabi na rin, medyo makapal pa naman ang buhok ko.
Pagkaupo ko sa may kama ko kung saan ay nandoon na 'yung hininda kong mga damit na susuotin ay bigla kong naramdaman at narinig na parang may nag ba-vibrate. Naaalala ko 'yung phone ko na nasa ilalim nitong isang unan ko kaya naman mabilis kong kinuha 'yun mula doon. Hindi kasi talaga ako mahilig na mag lagay ng tunog sa phone ko at mas gusto ko lang na nag ba-vibrate 'yun. Anyways, hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo dahil biglang nabasa ko ang pangalan ni Wayne sa caller ID.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
DragosteSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...