Napakunot ang noo ni Wayne nang magpasya siyang lumabas ng kanilang private room, kung saan narinig niya rin ang yabag ng mga kaibigan niyang sumunod sa kanya sa labas. Seryoso lang si Wayne ng mga sandaling ‘yon kaya naman hindi na lang niya pinansin ang mga kaibigan sa likod.
Buti na lang at nasa second floor si Wayne, kung saan walang makakapansin sa kanya kahit tumingin siya sa railings. Madali para sa kanya na tumingin sa ground floor nang hindi nagpapahalata. Mula sa ibaba, kitang-kita niya ang nangyayari at lahat ng taong kumakain doon. May mga server ay naglalakad sa paligid na naghahain ng pagkain at kumukuha ng mga order; nakatayo ang ibang mga customer, ngunit karamihan sa kanila ay nakaupo at masayang kumakain.
Ngunit isang lalaki at isang babae ang nakaagaw agad ng atensyon ni Wayne. Nakaupo ang dalawa malapit sa transparent wall ng restaurant. Sa hindi malamang dahilan ni Wayne, kusa na lang umigting ang kaniyang dahil sa kaniyang nakikita. Tinanggal niya rin ang suot niyang salamin.
'So, nandito talaga siya. Nandito si Leigh at kasama niya pa ‘yung lalaking taga-proboinsiya.' Hindi napigilan ni Wayne na sabihin ang mga katagang iyon sa kanyang isipan. Nakahawak na ang isang kamay niya sa railing habang nakatingin pa rin ng diretso kay Leigh.
'Nakakangiti siya sa lalaking kaharap niya ngayon na para bang walang nangyaring pagtatalo sa amin kahapon. Fuck! Besides, she has yet to inform me that she will meet someone tonight. The heck!’
"Do you know that man with Laida, Wayne?" He heard Kai's whisper from his side.
"Akala ko ba Leigh ang pangalan niya? Bakit Laida ngayon?" naguguluhang tanong ni Ivan.
"Oo. Ano ba talaga ang pangalan niya? Hindi ko maintindihan," pagsang-ayon ni Oliver.
"Ahh. Yeah right. Si Leigh ‘yun, hindi si Laida—my bad." - Kai.
"Tumahimik ka na nga lang Kai, kung hindi susuntukin na kita sa mukha mo,” iritado ngunit pabiro namang bulong ni Alexander.
"Hays. Ang tanga mo, Kai. Tumabi ka nga!" saad naman ni Vince, tapos marahan niyang itinulak ang kaibigan para mapapunta ito sa may likuran upang siya ang tumabi kay Wayne. "So, Wayne... sino si Leigh diyan? Can you please point her out? We are curious," dagdag ni Vince.
Sina Kai at Alexander lang kasi ang mga kaibigan ni Wayne na nakakita ng personal kay Leigh, kaya naman ‘yung iba ay hindi pa talaga nakikita ang dating kasintahan niya.
"Teka, teka... lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko siya makita." Angal ni Alexander na halatang lasing na sa tono ng pananalita niya. Sinusubukan din niyang tingnan ang mga taong nasa ibaba na halos nakapikit na ang mga mata niya “ I will point her out for all of you. It’s just that, my head is spinning right now.”
“Forget it, Fraz. You’re drunk and obviously, useless,” saad naman ni Ivan.
“Shut up, Oliver!” singhal ni Alexander.
“Huh? Hoy! Hindi ako ‘yun, huh! Si Ivan ‘yun, bobo!”

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...