43

152 2 1
                                    

                Sa sobrang tagal na umiyak ni Leigh matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Cattleya ay nakaramdam naman siya ng uhaw. Ipagpapabukas na lang sana niya ‘yon at hindi papansinin, kaya lang hindi naman siya makatulog. Doon ay nagpasya na nga siyang lumabas muna ng kaniyang silid. Pahid-pahid niya ang kaniyang luha ay naglakad na nga siya. Ngunit, awtomatiko siyang natigilan nang mapadaan siya sa nakasaradong pintuan ng silid ni Wayne. May naririnig siyang umu-ungol mula sa loob.

Kumunot ang noo ni Leigh.

 

“Ano kaya ‘yun? Gising pa kaya si Wayne?” tanong ni Leigh sa kaniyang sarili. “Hindi naman ‘yon simpleng ungkol lang, dahil kung tama ang pagkakarinig ko… ungol ‘yun nang may iniindang sakit. May nararamdaman kayang masakit si Wayne? Ano kayang nangyayari sa kaniya sa loob? Kakatukin ko kaya siya?” sunod-sunod na tanong pa rin niya dahil bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala.

 

Ipinagsawalang bahala muna ni Leigh ang uhaw na kaniyang nararamdaman sapagkat napag-desisyunan niya nga na katukin ang silid ni Wayne. Humakbang muna palapit si Leigh sa nakasaradong pintuan ng kwarto ng binata at doon na siya nagsimulang kumatok.

 

“Wayne? Wayne, gising ka pa ba?” Patuloy pa rin ang kaniyang pagkatok. Akala ni Leigh ay sasagot na ang binata pero wala siyang narinig kung hindi ang tanging pag-ungol pa rin nito mula sa loob. “Wayne, okay ka lang ba?”

‘Teka, bakit kaya hindi siya sumasagot? Tiyak naman ako na siya ‘yung umu-ungol sa loob. Ano kayang nangyayari sa kaniya?’ saad ni Leigh sa kaniyang sarili.

 

Sa pangalawang pagkakataon ay kumatok siyang muli sa pintuan ni Wayne.

“Wayne? Kapag hindi ka sumagot, papasok na ako sa loob,” wika pa ni Leigh. ‘Tiyak ako na may nararamdaman siya. Sa tingin ko ay may masakit sa kaniya pero hindi ko lang alam kung ano. “Wayne, papasok na ako, huh. Okay?” Nang wala pa ring marinig na sagot si Leigh mula sa loob ay nap-pasya na nga siyang pasukin ang silid ng binata.

Muli niya munang pinunasan ang kaniyang mata upang makasiguro siya na hindi mahahalata ni Wayne ang kaniyang pag-iyak kanina. Bumuga pa nga siya nang malalim na hininga bago tuluyang inabot ang doorknob ng pintuan at pinihit niya ‘yon upang mabuksan.

 

‘Buti na lang at hindi naka-lock.’

 

Unti-unti niyang binuksan ang pintuan. Agad niyang nakita na hindi nakabukas ang ilaw ni Wayne, tanging ang dim light lang na lampshade na nakapatong sa may bedside table ang nakabukas. Sakto lang ang liwanag na binibigay ng ilaw upang makita ni Leigh ang kalagayan ni Wayne. Napuno ng katanungan at pag-aalala ang isipan ni Leigh sa kaniyang nakikita.

‘Anong nangyayari sa kaniya? Nakapikit naman ang mga mata niya pero umu-ungol siya? Nakapatong rin ang isang kamay ni Wayne sa may bandang tiyan niya. At kahit naka-aircon naman ang buong kwarto niya ay kitang-kita ko ang pamumuo ng pawis niya. T-teka, namumutla rin siya? May sakit ba siya?’

 

Walang pagdadalawang-isip an agad niyang nilapitan si Wayne. Agad siyang umupo sa may extra edge ng kama habang nakaharap sa binata.

 

‘Wayne, anong nangyayari? Anong masakit sa’yo?” Hindi umimik si Wayne sa kaniya pero patuloy pa rin ang mahinang pag-ungol ng binata habang medyo nakakunot din ang noo nito.

Biglang may naalala si Leigh. “Teka, masakit ba ang tiyan mo?” tanong niya pang muli and this time ay unti-unti nang nagmulat ng mata si Wayne. Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata at doon ay muling nagsalita si Leigh, “Hays! Sabi ko na nga ba at hindi ka na dapat kumain noong mga streetfoods kanina eh, ‘yan tuloy! Ang tigas kasi ng ulo mo.”

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon