27

222 9 1
                                    

   Kahit hindi ko pa rin talaga alam kung ano ba ang eksaktong nangyari sa aming dalawa ni Wayne kagabi ay wala na akong choice kung hindi ang magbihis na ng damit. Siyempre, hindi ko naman siya haharapin suot lang itong damit niya. AY EWAN!

Hindi ko pa rin maiwasan na sabunutan ang sarili kong buhok sa tuwing naiisip ko na may nangyari sa aming dalawa na hindi ko lang talaga maalala. Sa tuwing pinipilit ko na isipin ay mas lalo lang talaga na sumasakit ang ulo ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Binilisan ko lang talaga ang pagkilos ko dahil tiyak na hinihintay na talaga ako ni Wayne sa baba. Sabay nga raw kasi kami na kakain na hindi ko na alam kung bakit. Pagkabihis ko ay bumaba na rin ako agad.

Naabutan ko siya sa may dining area na pinaghahain ni Manang Fracia. Si manang ang unang nakakita sa akin dahil saktong nakatalikod sa akin si Wayne dahil siya 'yung nakaupo sa kabisera.

"Oh, Leigh. Buti naman at gising ka na." Ngumiti pa sa akin si Manang Fracia nang batiin niya ako. Ngingitian ko na sana siya bilang tugon, kaya lang, ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpawala sa pagngiti ko sana. "Nagluto nga pala ako ng sopas para sa'yo dahil lasing na lasing ka kagabi."

Parang gusto ko na lang na sampalin ang sarili ko dahil doon. Pati pala si Manang Fracia ay alam niyang lasing ako. sa totoo lang, hindi ko na talaga namalayan ang pagkalasing ko. Hindi ko alam kung paano ako nakaakyat sa second floor at kung paano ako napunta sa kwarto ni Wayne; total blackout talaga.

'Ano ba naman kasi 'yan, Leigh. Akala ko ba tatanggalin mo lang ang kaba na nararamdaman mo kagabi kaya ka uminom ng alak? Hindi mo naman sinabi na tatanggalin mo pati ang kaluluwa mo sa katawan!'

"Maupo ka na rito nang makahigop ka ng mainit na sabaw. Tiyak na may hangover ka. Sabayan mo na si Sir Wayne." Pinaghigit pa ako ni manang nang upuan ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit na sa lamesa saka umupo.   

Sakto naman na hindi ko itinali ang buhok ko kaya naman ginamit ko 'yun upang matabunan ko ang buong mukha ko.

Pakiramdam ko kasi ay hindi ko magagawang harapin ngayon si Wayne lalo na at hindi ko nga maalala ang mga nangyari. Samantalang siya, sigurado ako na alam niya, at doon ako nahihiya. Ang dami ko kayang katanungan sa sarili ko ngayon.

Ako ba ang nag-initiate ng halik kaya natuloy kami?

Naghubad ba ako sa harapan niya?

May mga sinabi ba ako habang nag se-sex kami?

Ang lakas ko bang umungol?

  Putangina! Ilan lang talaga 'yan sa mga katanungan na hindi ko alam ang sagot. Concerned talaga ako sa kung anong nangyari. Baka kung anong kalokohan ang ginawa ko at tanging si Wayne lang ang nakakaalam ng lahat. Isipin niyo kung gaano ka-frustrate itong sitwasyon ko ngayon!

Huhuhu! Sinusumpa ko na talaga ang alak na yan!

"Oh, kumain na kayong dalawa huh. Maiwan ko na muna kayo at ako'y babalik lang sa kusina," paalam ni Manang Fracia.

Walang salita na inabot ko naman 'yung kutsara at nagsimula na ako s apaghigop ko ng mainit na sabaw noong sopas, ngunit saktong pagkahigop ko naman nang biglang magsalita si Wayne.

"Manang, pwede bang makahingi muna ako ng yelo? 'Yung maraming yelo, ang init pa rin kasi ng pakiramdam ko eh."

Dahil sa narinig kong sinabi niya, awtomatikong nanlaki ang pagkakabilog ng mata ko at naubo pa ako ng konti. Kung saktong mainit 'yung sabaw na hinigop ko ay tiyak na mapapaso talaga ang dila o ang labi ko.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon