Kahit na hindi nakatulog ng maayos si Leigh noong gabi dahil sa mga iniisip niya, idagdag pa na sinisilip-silip din niya ang lagay ni Wayne sa kabilang kwarto, ay nagawa niya pa rin na gumising ng maaga kinabukasan.
Medyo madilim pa ang paligid nang gumising siya. Pagdaan niya sa harapan ng kwarto ni Wayne ay sumilip pa siyang muli roon upang makita kung mahimbing pa rin ba na natutulog ang binata. Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata ng bahagya niyang binuksan ang kwarto ni Wayne.
Doon ay nakita niya na natutulog pa nga si Wayne. Dahan-dahan niya nang sinaradong muli ang pintuan at dumiretso na sa may kusina. Sa pagkakaalam niya ay tuwing alas-otso pa ng umaga dumarating si Manang Fracia. Naisip niya na kailangan na ring uminom ng gamot ni Wayne pagkagising nito kaya naman siya na ang nagkusa na magluto.
Pinili niya na lang na lutuin ay ‘yung madadali lang. Kailangan niya na rin kasi na magmadali lalo na at may trabaho pa siya.
Nagluto siya ng ready to mix na pancake at saka sunny-side up egg. Hindi niya pa nga maiwasan na humikab habang nagluluto dahil inaantok pa rin siya
Kung hindi kasi siya nagkakamali ay tuwing kada-isa’t-kalahating oras ay nagigising siya upang bisitahin si Wayne sa silid nito. Noong mga bandang alas-kwatro nga lang yata siya nahimbing sa kaniyang pagkakatulog. At ngayon ay mag-a-alas-sais pa lang ng umaga; kulang-kulang na dalawang oras lang talaga ang naitulog niya.
“Sa tingin ko naman ay magaling na siya,” nasambit ni Leigh sa kaniyang sarili habang nagtitimpla siya ng gatas para naman sa kaniya. Nagsimula na rin kasi siyang kumain habang nagluluto para mamaya ay ihahatid na lang niya ang pagkain ni Wayne sa kwarto nito, at saka didiretso na siya na maligo.
Nag-aalala pa rin siya kay Wayne lalo na at hindi niya alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman ng binata. Pinipilit naman niya ito na dalhin sa ospital, pero hindi talaga pumapayag si Wayne. “Hays! Ang tigas talaga ng ulo niya. Kung pumayag sana siya na dalhin ko siya sa ospita, edi hindi sana ako nag-aalala ng ganito. Hindi naman ako isang doktor para malaman ang lagay niya,” reklamo niya pa sa kaniyang sarili. “Gusto ko sanang bantayan na lang muna siya habang hindi pa ako sigurado na magaling siya, kaya lang… hindi naman ako pwede na hindi pumasok sa trabaho dahil unang araw ko ngayon sa restaurant. Ayaw ko rin naman na mapahiya si Pio kung sakaling unang araw pa lang ay hindi na ako sumipot.” Para na siyang nasisiraan ng bait sa pagka-usap niya sa kaniyang sarili ng mga sandaling ‘yon.
Pero sa huli ay isang malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya at binilisan na ang pagluluto. Gaya nang nabanggit ay nagdala na muna siya ng pagkain sa silid ni Wayne.
Halos pigil ang hininga ni Leigh habang naglalakad siya papalapit sa may bedside table ni Wayne upang ipatong doon ang tray ng pagkain na bitbit niya. Nandoon ay ang niluto niyang pancake at bacon. May tubig na rin doon kasama ang gamot na kaniyang inihanda rin.
Pagkapatong ay tiningnan niya muna ng ilang segundo si Wayne. Tulog na tulog pa rin ang binata, malalim ang bawat paghinga nito, halatang mahimbing ang pagkakatulog. Doon ay nagpasya na si Leigh na hindi na lang gisingin pa si Wayne, tiyak naman kasi na gigising na rin ito mayamaya.
Dahil doon kaya dahan-dahan na rin siyang lumabas ng silid nito at dumiretso sa kaniyang kwarto upang maghanda naman sa kaniyang pagpasok. Mabilis lang siyang naligo, kailangan kasi na bago mag-alas-otso ay nasa restaurant na siya.
Inilugay na lang niya ang mahaba niayng buhok at nagpasya na magbaon na lang ng suklay para habang naghihintay siya ng masasakyan ay makakapagsuklay siya. Dinala na lang din niya ang isang simple at itim na sling bag niya kung saan ay doon nakalagay ang kaniyang cellphone at wallet na barya na lang ang laman. Simpleng itim na blouse lang ang suot ni Leigh kung saan ay may tatlong butones ‘yon na maliliit. Habang simpleng khaki brown na stretchable pants naman ang kaniyang pang-ibaba. Nagsuot rin siya ng kaniyang mumurahin na sneakers. Nagbaon na rin siya ng jacket, tiyak kasi na maiinitan siya pagdating ng tanghali kapag may mga delivery siya.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomansaSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...