“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.
Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.
“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.
“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sofa dahil sa inis niya sa akin.
Nagpanting na rin ang tenga ko. Katulad nang sinabi ko, siya sa aming dalawa ang may problema kaya bakit ako ngayon ang idinidiin niya?
“Hindi ligtas? Tingnan mo nga sa ating dalawa ngayon kung sino ang may trabaho na hindi ligtas!” singhal ko na rin sa kaniya. ‘Yung galit at kaba na pinipigilan ko kanina ay ngayon na lumalabas kaya napapalakas na rin ang boses ko. “Mas hindi nga ligtas ‘yang ginagawa mo, eh. Sino ‘yung humahabol sa’yo kanina.”
Ngayon ay siya naman ang hindi makapagsalita sa mga ibinabato ko sa kaniya. See? Hindi nga siya makaimik, eh.
“May kinalaman ba ‘yung Becca na ‘yon sa humahabol sa’yo? Hindi ba at siya ‘yung emergency na tinutukoy mo kagabi kaya hindi ka umalis? Hindi ba at ‘yun ‘yong babae na ini-imbestigahan mo ang kapatid? Tama ba ako, Wayne?!”
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay parang sumasabog na ako ngayon.
Pakiramdam ko ay nangingilig ang mga kalamnan ko sa inis. Dahil ba alam kong pwede siyang mapahamak sa ginagawa niya? O dahil pwede rin akong mapahamak kanina kasi tinulungan ko siya? Ay, ewan! Basta ang alam ko lang ay delikado ang ginagawa niya.
“That’s my job! Trabaho ko ‘yon,” mahinahon na ngayon ang boses ni Wayne nang sagutin niya ako, pero nandoon pa rin ang pagiging seryoso niya.
“Hindi mo trabaho ‘yon!” mariin na sagot ko sa kaniya. Nanlilisik na ang mga mata ko habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya. “Imbestigador, o pulis ang dapat na gumagawa no’n. Hindi abogado na katulad mo! Tapos ngayon, may balak kang kwestyunin ang trabaho ko dahil lang sa nag-deliver ako ng pagkain sa isang pasugalan? At least ako, walang humahabol sa akin na masasamang tao. Hindi mo ba naisip? Paano na lang kung wala ako roon ng mga oras na ‘yon? Paano na lang kung hindi kita nakita? Paano na lang kung hindi ako dumating?! Ayoko nang isipin pa ang pwedeng mangyari sa’yo!” Pakiramdam ko ay naglabasan ang mga litid sa leeg ko dahil sa lakas nang pagkakasigaw ko.
Napansin ko ang pagkagulat sa ekspresyon ng mukha ni Wayne. Halata rin na wala na siyang balak na magsalita pa kaya binatuhan ko na lang siya ng isang matalim na tingin bago ako padabog na tumalikod sa kaniya at umakyat na lang sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomantikSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...