LEIGH’s POV
It is now Friday evening. Kasalukuyan lang na nakatingin ako ngayon sa harapan ng isang malaki at bilugan na salamin na nakapatong dito sa vanity table ng kwarto ko. Hindi ko maiwasan na pagtuunan nang pansin ang ayos ng mukha ko,I am now wearing full make-up.
Nude lipstick, smoky eye shadow, cat-eye style, and finely formed nose line. Makinang din ang pisngi ko dahil sa highlighter na nakalagay doon, nakasuot din ako ng gray contact lense kahit na hindi ako masyadong sanay doon. This is the first time I've seen myself wearing make-up, so I'll have to admit... I love it.Expected na rin talaga na maganda ang kalalabasan nang ayos ko ngayon dahil hindi naman basta-basta ang make-up artist ko dahil mga professional sila. Kadalasan nga raw ay mga artista ang mine-make upan nila o inaayusan. Nalaman ko na si Zienna raw mismo ang nagpadala sa kanila para nga maayusan ako ngayon.
My hair looks fantastic as well. It’s now perfectly straight with some blonde highlights. Naglagay din ang hairstylist ko kanina ng extention kaya umabot hanggang pang-upo ko ang haba ng buhok ko. I love it.Ilang oras na lang din kasi ay pupunta na kami doon sa charity ball na pupuntahan namin ni Wayne ngayong gabi. Speaking of Wayne, hindi na namin nagawang pag-usapan pa ‘yung nangyari noong gabi sa may kusina... and I’m not sure kung gusto ko pa bang pag-usapan ‘yon. Buti na nga lang talaga at hindi kami masyadong nagkakasalubong dito sa loob ng bahay nitong mga lumipas na araw kasi lagi siyang abala sa trabaho niya.
Nagkikita naman kami at nagsasabay na kumain, lalo na tuwing dinner pero hindi na talaga namin ‘yon napag-usapan pa. And that is something I must be grateful for, because I am well aware that I have nothing to say to him.Maya-maya pa ay tumayo na rin ako mula sa pinagkakaupuan ko at agad na tinanggal ang suot kong gray silk robe. Tanging underwear na lang ang suot ko ngayon sapagkat hindi na kailangan ng bra sa susuotin kong damit. Kinuha ko na ang dress ko na galing sa boutique ni Zienna. Siya ang pumili ng damit na ‘to para sa akin. It's a sleeveless gold sequined and glittering baby con dress that's above the knee length. Halos kasing laki lang ng sinulid ang strapped ng dress na ‘yun at medyo maluwag ang tela no’n sa may bandang dibdib.
Walang salita na isinuot ko na nga ang dress na ‘yon, naging mabilis ang pagkilos ko lalo na at baka hinihintay na ako ni Wayne sa baba. Buti na lang at mabilis ko lang na naisuot ‘yun sa katawan ko, kaya lang ang problema ay hindi ko maabot ‘yung zipper sa may bandang pinakagitna ng likuran ko. Pinilit ko naman na abutin ‘yon kaya lang hindi ko talaga maabot. Hindi naman kasi ako gano’n ka-flexible na tao eh.
Naging limitado rin ang bawat galaw ko kasi iniiwasan ko na mapawisan ako at baka masira ‘yung make-up ko. Nakapatay pa naman ‘yung aircon dito sa kwarto ko kasi pinatay ko ‘yon kanina noong umalis na ‘yung makeup artist at ‘yung hairstylist.Nakakaramdaman na ako ng inis dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin ‘yun maabot, hanggang sa awtomatikong natigilan ako nang isang mahinang pag-ubo ang narinig ko sa may bandang likuran ko.
Mabilis pa sa isang kisap-mata ang ginawa kong paglingon kung saan ay doon ko nakita si Wayne na nakasandal sa may pintuan habang diretsong nakatingin sa akin. Lihim na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya do’n at naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng puso ko.
He was dressed dashingly in a well-fitting black long-sleeved coat. Inside the coat is a white t-shirt with a round neck, and the bottom is a basic black slack. Hindi nakabutones ang coat niya kaya kitang-kita ang puting damit nito. Nakalabas din ang silver necklace niya with matching Louis Vuitton Monogram Eclipse Charms, na alam kong mahal ‘yon. His hair was in a neatly brushed up style.Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang suot niya ngayon na reading glass niya kaya mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Oh well, matagal na siyang gwapo... mas gwapo nga lang ngayon.
Kahit na kinakabahan ako ng mga sandaling ‘yun lalo na at hindi ko alam kung kanina pa ba siya doon o baka kararating niya lang ay nagsalita na ako, “S-sorry kung mabagal ako. Susuutin ko lang ‘to at tapos na rin ako,” mahinang wika ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...