08

380 11 1
                                        

          TAHIMIK lang na naglalakad na kaming dalawa patungo sa may tulay ni Wayne. Walang nagsasalita sa pagitan namin. Wala rin naman masyadong mga kabahayan dito sa paligid kaya mas lalong dumagdag pa 'yun sa katahimikan na meron kaming dalawa. Kung meron man na mga bahay na nakikita, wala 'yun sa tabing daanan o tabing kalsada, natatanaw lang 'yun mula sa malayo. Normal na para sa akin na wala akong masyadong tao na makita rito sa may lugar namin, pero kapag lumampas na ng tulay... nandoon na 'yung mga tao at mga kabahayan.

Tumagal pa ng halos ilang minuto ang katahimikan naming dalawa hanggang sa makarating na kami sa may tulay.

Doon ay hindi ko inaasahan na magsasalita si Wayne. "You know what, I hate this place." Manhina lang ang boses niya, sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig. Hindi ko inaasahan na siya mismo ang magbabasag nang katahimikan sa pagitan namin, pero hindi ko na lang 'yun ginawang big deal at saka ko siya binatuhan nang nagtatakang tingin.

Doon ko nakita ang side view ng mukha niya dahil diretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin na tulay, habang ako naman ay sa kaniya nakapokus.

Bago pa niya ako mahuli, umiwas na rin ako nang tingin at agad na nagtanong, "Bakit naman?"

"Look! Even though I haven't been here for a while, everything remains the same. No progress and improvements. Walang pinagbago," sagot niya. Seryoso lang ang tono ng boses niya. Gusto ko nga sana siyang batuhan nang tingin, pero pinigilan ko lang ang sarili ko at tanging sunod-sunod na pagtango na lang ang naging kasagutan ko sa kaniya.

I have to agree with him. Tama naman kasi ang sinabi niya. Ilang taon na rin akong nawala sa lugar na 'to, pero sa pagbabalik ko, parang hindi pa rin nagbabago ang lahat nang alaala ko rito. Maging sa mismong lugar, sa tulay na 'to, at sa mga taong naninirahan dito... wala ngang nangyayaring pagbabago.

"Tama ka naman do'n," mahinang pagsang-ayon ko pagkaraan ng ilang segundo. "Marami akong nakita na mga tao sa lugar na 'to na masisipag naman... pero mahirap pa rin ang buhay nila. Kahit anong sipag ang gawin nila, walang nangyaring pag-asenso."

Lihim akong napabuga ng hininnga. Isa na siguro ang nanay ko roon. Habang lumalaki ako, nakita ko naman kung gaano siya kasipag, nagtatarabaho siya araw at gabi. Hindi lang basta trabaho, kundi mabibigat talaga na trabaho. Ngunit, kahit anong pagkayod ang gawin niya... wala pa ring nangyari. Mahirap pa rin kami. Sabi nga ng iba: Hindi kasalanan ng tao ang pinanganak siya na mahirap, ang mali ay 'yung namatay ka pa rin na mahirap, at 'yon ang nangyari sa magulang ko.

"Is that the reason why you left? The reason why you leave this place?" Naging mas seryoso bigla ang boses niya.

Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang ginawa niyang pagbaling nang tingin sa akin, kaya naman pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang lingunin, at diretso lang ang mga mata ko sa may tulay.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya lalo na at hindi naman talaga 'yun ang dahilan kung bakit ako umalis.

"You don't have to answer it." Biglang pagbawi niya makalipas ang ilang segundo na hindi nga ako nakasagot sa tanong niya. Pabor naman ako roon, kaya muli na naman naghari ang katahimikan sa pagitan namin.

Hindi na rin naman nagtagal at nakarating na kami sa bayan. Hindi ko maiwasan na lihim na mapalunok ng laway nang makita ko ang buong paligid ng lugar na 'to. Mas marami talaga ang bahayan dito na halos ay dikit-dikit na, kaysa sa lugar ko na halos walang nakatira.

Unti-unting nararamdaman ko ang pagkabog ng puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. Simula nang makabalik kasi ako rito sa probinsiya, hindi pa ako nakakapunta rito sa bayan na 'to ng umaga. Laging gabi ako pumupunta rito kapag nagkakayayaan kami ni Cattleya at ni Pio. Ayoko kasi na makita ako ng mga tao rito.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon