46

184 7 0
                                        

‘Kumakain na ako.’ *Three heart emojies*

 

         Napalaki ang mata ni Leigh nang mabasa niya ang text message ni Wayne. Hindi niya alam kung bakit pero kusang nangunot ang kaniyang noo nang makita ang tatlong mapupulang puso na emoji mula sa mensahe ni Wayne.

“Hays! Kasalan ko naman ‘to, eh. Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng mga emoji dito sa phone ko ay ‘yung puso pa ang napindot ko,” reklamo ni Leigh sa kaniyang sarili. Gusto niya pang ipukpok ang cellphone niya sa kaniyang ulo, pero pinigilan niya lang dahil marami ngayon na mga staff ng restaurant ang nakapaligid sa kaniya ngayon.

May mga kasabay kasi siya na nagbre-break time rin.

Buong umaga ay tatlong delivery pa lang naman ang natatanggap ni Leigh, walang masyadong umo-order sa online kaya naman ngayon ay nakapahinga na siya. Dahil mdedyo nag-aalala nga siya kay Wayne kaya ang pag-text sa binata ang una niyang ginawa. Ngunit, ito na nga ang nangyari; may napindot siya na hindi dapat.

 

Nag-message na lang siya ng panibago kay Wayne. Iniisip na baka pwede niya pang bawiin ‘yon.

 

To: Wayne

       ‘Napindot ko lang ‘yung heart… hindi ko ‘yun sinasadya.’ Sent.

 

Alam niya na ang lame nang idinahilan niya, pero ‘yun naman talaga ang toto— hala!

 

Muntikan nang mapasinghap ng malakas si Leigh nang biglang tumawag si Wayne sa kaniya, hindi niya ‘yun inaasahan. Imbes na sagutin niya agad siyang tumayo sa stool chair na inuupuan niya at lumabas sa backdoor ng kitchen. Buti na lang at walang ibang staff na nandoon, ngunit amoy na amoy naman niya ang amoy usok ng sigarilyo. Doon kasi madalas na naninigarilyo ang ibang mga lalaking staff ng restaurant.

 

Nang maalala niya na on-going pa rin ang pag-ring ng kaniyang phone ay huminga muna siya ng malalim bago niya sinagot ang tawag ni Wayne.

 

Mag-he-hello na sana siya ngunit mas naunahan siya ni Wayne na magsalita sa kabilang linya.

 

[Hindi rin ba sinasadya ‘yung pag-aalala mo?] Hindi alam ni Leigh kung bakit, pero naging mapang-akit ang boses ni Wayne. Hindi niya alam kung sinasadya ba ‘yun ng binata pero ipinagsantabi niya muna ‘yun upang kontrahin ang sinabi nito.

 

“A-ano? S-sinong nag-aalala? Ako? Hindi kaya!” sagot niya. Ramdam niya na medyo weird pa siyang magsalita at makipag-usap sa tawag kay Wayne. Kung hindi kasi siya nagkakamali ay ngayon niya lang ulit nakausap ito ng normal; walang bahid ng tungkol sa kaso o kung ano pa man.

 

Ilang segundong hindi nagsalita si Wayne sa kabilang linya. Akala niya nga ay namatay na ‘yung tawag kaya sinilip niya pa ang screen ng kaniyang phone, on-going pa rin naman ang call na ‘yun. Dahil doon kaya naman nagpasya si Leigh na magsalita na lang ulit.

 

“Uminom ka na ba ng ga—”

[Wala kang work?]

 

Napatikhim nang mahinang pag-ubo si Leigh nang ma-realize niya na nagsabay pa sila ni Wayne na magsalita. Ngunit ang binata ang unang sumagot, tila’y alam na ang itatanong niya kahit hindi naman niya talaga ‘yun naituloy.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon