LEIGH DEVON's POV
Parang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaking 'to na nasa harapan ko. Anong akala niya ba sa akin? Bayarang babae? Sa tagal naming hindi nagkita ay 'yan talaga ang unang ibinungad niya sa akin ngayon? Nakakapanibago!
Hindi ko maiwasan na pagtaasan siya ng kilay at nilabanan ko ang mga titig niya sa akin, kahit ang totoo ay parang bibigay na ang mga tuhod ko sa lapit ng mukha niya. Hindi na ako sanay na ganito siya kalapit sa akin.
"Nagpapatawa ka ba? Abogado ka ba talaga o porn star?" Hindi makapaniwala ngunit may pang-aasar sa tono nang pananalita ko. Napa-atras siya ng konti palayo sa akin dahil sa sinabi ko.
Lihim naman akong nagpasalamat sa paglayo niya dahil medyo nakahinga na ako ng maluwag.
Sa tingin ko ay nabigla siya at hindi niya inaasahan na 'yun ang sasabihin ko sa kaniya. Halatang-halata kasi ang hindi makapaniwalang eskpresyon sa mukha niya. Kung sa bagay, kahit kailan naman ay hindi ko siya napagsalitaan ng ganoon nu'ng nagsasama pa kami. Well, sorry na lang siya... hindi na ako katulad ng dati, at marami nang nagbago sa akin na hindi niya maiisip na kaya ko.
"Hindi ba at gwapo ka naman? Successful ka na rin sa buhay katulad ng gusto mong mangyari noon. Bakit hindi ka na lang humanap ng babae, o di kaya ay magbayad ka na lang ng babae sa mga club? Obviously, afford mo naman 'yun dahil marami kang pera!" Mariin ang mga salitang binibitawan ko sa kaniya at saka ko marahas na inabot 'yung folder ko sa lamesa. Muli ko siyang binalingan nang masamang tingin. "Salamat na lang sa alok mo, pero hindi ko kailangan ng tulong mo! Mas gugustuhin ko pa na magpagamit sa ibang abogado... kaysa ang magpagamit sa'yo!" Tuluyan na akong tumalikod para umalis.
Alam ko na nakakainis ang ugali ko dahil ang lakas ng loob ko na magalit sa kanya, samantalang ako 'yung nang iwan sa kaniya noon. Pero wala na akong pakialam doon dahil labas naman ang relasyon namin dati, sa kailangan ko ngayon.
"You rejected my offer now, but that's just for now, Leigh. Alam ko na babalik ka sa akin, at sisiguraduhin ko 'yun."
Nabigla pa ako nang magsalita pa si Wayne sa may likuran ko bago ko pa man maipihit ang doorknob ng pinto. Mukhang sigurado talaga siya sa sinabi niya, pero hindi ko na lang siya nilingon pa. Marahas kong binuksan 'yung pintuan at saka malakas ko rin na isinarado 'yon. Napatingin pa sa pwesto ko 'yung isang babae na nasa may front desk dahil sa lakas nang pagkakasara ko, pero hindi ko na lang siya pinansin pa.
Huminga ako nang malalim para makontrol ang galit na nararamdaman ko hanggang sa makasakay na ako sa elevator. Buti na lang at ako lang ang nasa loob noon kaya mabilis kong isinandal ang katawan ko sa dingding, at mahigpit ko ring inihawak ang isa kong kamay sa railings no'n para hindi ako matumba.
Pakiramdam ko ay tuluyan na ngang lumambot ang mga tuhod ko. Kung anuman ang ipinagpapasalamat ko kanina: buti na lang talaga at hindi ako bumigay sa mismong harapan niya. Dahil sa totoo lang, hindi ko talaga inaasahan na siya ang makikita ko sa loob ng silid na 'yon. Siya pa naman ang kahuli-hulihang tao na gugustuhin kong makita habang buhay pa ako.
Buti na lang at hindi ako masyadong nag-panic nang makita siya.
Buti na lang at nalabanan ko ang mga luha ko nang matitigan ko ang mga mata niya, na para bang ang dami'ng gustong sabihin. Alam ko na may poot ang mga tingin niya sa akin at hindi ko naman siya masisisi.
Gusto ko siyang yakapin kanina pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong wala akong karapatan na gawin iyon sa kaniya..
Narinig niyo naman siguro ang sinabi ko sa kaniya kanina, hindi ba?
Ako! Ako ang nang iwan sa kaniya. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang masasayang panahon na magkasama kami noon. Walang ibang sisisihin kundi ako lang.

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomantikSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...