KASALUKUYAN lang na nakaupo ako ngayon dito sa couch sa may sala ng bahay ni Wayne. It's now almost 4 o'clock in the afternoon. Wala akong masyadong ginawa sa buong mag hapon ngayon sa bahay na 'to dahil hindi ako hinahayaan ni Manang Susan na tumulong sa kaniya sa mga gawaing bahay. Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga nang malakas mula dito sa pinagkakaupuan ko. Hindi talaga ako sanay na walang ginagawa. Siguro, susubukan ko na lang na maghanap ng trabaho sa mga susunod na araw kapag na-boring na talaga ako ng sobra-sobra dito.
Anyways, after naming kumain ng tanghalian ni Manang kanina ay nag pasya ako na ayusin ko 'yung mga gamit at damit ko sa kwarto ko. May cabinet kasi doon kaya do'n ko na inilagay ang mga damit ko, and to be honest... halos katatapos ko lang talaga kaya ngayon ay nagpapahinga lang ako dito sa sala.
Habang nagpapahinga ay inilibot ko ulit ang paningin ko dito sa may sala at pansinin in detailes ang lahat nang nakikita ng mga mata. Kaharap ko ngayon ang napakalaking flatscreen TV niya dito, ramdam na ramdam ko rin ang kalambutan nitong couch na inuupuan ko. Ang sosyal din ng mga throw pillow niya kasi kulay gold 'yung punda at napakaganda rin ng fur carpet niya dito na kulay puti... halatang mamahalin talaga. Hindi rin naman magpapahuli 'yung mga vases na naka-display dito, kahit wala naman ako masyadong alam sa mga ganyan ay masasabi ko na talagang galing pa 'yun sa iba't-ibang bansa... 'yung tipong ina-auction pa sa malaking halaga para lang makuha, ganon ang style.Pakiramdam ko nga, kapag ibinenta ko ang isa sa mga vase na 'yan, siguradong malaki ang makukuha ko... pero siyempre, hindi ko naman gagawin 'yun kasi nga hindi naman sa akin 'yan eh.
Hindi na nga nag tagal ay nawala na ang atensyon ko sa mga furnitures na tinitingnan ko nang sunod-sunod na pag doorbell ang narinig ko mula sa labas ng bahay. Si Wayne ang agad na pumasok sa isipan ko kaya lang naisip ko rin na posible na hindi siya 'yun kasi bakit kailangan niya pang mag doorbell sa sarili niyang bahay, 'di ba? Idagdag na rin 'yung sinabi sa akin ni Manang Susan kanina na kadalasan daw ay laging late na kung umuwi si Wayne... eh halos 4:20 PM pa lang naman at masyado pang maaga.
Wala sa sarili na tumayo na lang ako mula dito sa pinagkakaupuan ko nang biglang makita ko si Manang na galing sa may kusina at mukhang nagmamadali siya para lumabas ng bahay ay pinigilan ko na siya agad, "Ako na lang po ang magbubukas, Manang.""Gano'n ba, oh sige ihja." Pagsang-ayon niya sa akin at ngumiti na lang ako bago ako tuluyan nang lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko ay hindi ko kaagad nakita kung sino 'yung nag do-doorbell kasi 'yung style nung gate nitong bahay ay minimalist slider... 'yung tipong hindi mo talaga makikita 'yung tao sa labas kung hindi mo pagbubuksan kasi nga walang butas. Ganon din 'yung style sa malaking gate na pang kotse naman.Agad na nga akong dumiretso doon at saka tuluyan nang binuksan 'yun. Agad na tumambad sa aking mga mata ang isang babae na saktong kaaalis pa lang noong suot na shade niya kaya agad na sumalubong sa aking paningin ang singkit niyang mga mata. May nakasabit din na isang magandang bag sa kaniyang kanang braso na kulay itim, at hindi lang 'yun basta bag lang kung hindi mamahalin na bag base na rin sa logo na nasa harapan noon. She's so sexy on that black fitted dress na labas na labas 'yung cleavage niya dahil sa pagka V-neck noon.
"My God yaya, why are you so tagal naman mag bukas ng-- ohh, are you new here?" Biglang saad niya nang makita niya ako. Hindi ko naman maiwasan na mabigla at matigilan ng konti dahil tinawag niya akong 'yaya'.
"Ah ehh--" hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya pero agad din naman niya akong pinahinto mula sa pagsasalita ko sa pamamagitan nang pag angat ng kaniyang kanang kamay na medyo nakapilintik pa 'yung mga daliri.
Yeah. I can say na sosyal siya, mayaman at elegante dahil sa kaniyang pananamit at idadag na rin na maganda siya... kaya lang, mukhang matapobre at 'yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat.
"I don't need your explanation yaya..." Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng yaya. Oo na, mukha akong katulong dahil sa damit na suot ko kumpara sa mamahalin na suot niya... kaya lang, hindi ba obvious na hindi ako katulong dito dahil hindi naman ako nakasuot ng uniporme? May uniform kasi si Manang Susan na kulay white and black. "Can you just help my driver na dalhin sa loob 'yung mga dala ko para kay Wayne? Pakiingatan lang huh, those are expensive kasi eh at baka hindi mo mabayaran... okay?"

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
Roman d'amourSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...