41

217 4 3
                                    

         Sakto sa napag-usapan ay dumating na nga si Wayne at si Leigh sa cafe kung saan sila magkikita-kita. Pormal na pormal ang itsura ni Wayne habang nakasunod sa may likuran niya ang dalaga. Nandoon na rin ang kanilang ka-meeting na nakatingin na rin nang diretso sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Leigh ang nakataas agad na kilay ng matandang babae.

“Don’t get triggered by her look,” pasimpleng bulong ni Wayne kay Leigh. Nakikita rin kasi niya kung paano tumingin ang matandang babae sa direksyon ni Leigh.

 

“Sanay na ako sa mukha niyan ‘no. Wala namang pinagbago,” bulong din pabalik ni Leigh na ikinangiti ng lihim ni Wayne. Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa lamesa kung saan ay ‘yung abagado ng matanda ang agad na tumayo.

 

“Nice to see you again, Attorney Ferrer,” bati ni Khalil kung saan ay walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito habang nilalahad ang kamay.

‘Wow! Siya ‘yung attorney ng matandang babae na ‘to? In fairness huh, ang gwapo niya. Mukhang magkasing-edad sila ni Wayne. Pero bakit gano’n? Binati niya nga si Wayne pero parang hindi naman siya masaya na makita ito? Magka-away ba sila? Ah, gets ko na. Baka naman dahil magkalaban sila sa hahawakan nilang kaso kaya gano’n na lang siya makatingin kay Wayne. Well, kahit masyadong seryoso ang mukha niya, gwapo pa rin naman siya. Mas gwapo nga lang si Wayne.’

 

“Nice to see you again too, Attorney Pastoral.” At tinanggap nga agad ni Wayne ang kamay ng lalaki.

 

“Please, have a sit.”

Walang salita na umupo na nga sila. Magkatabi si Leigh at Wayne, kaharap ni Leigh ang matandang babae habang magkaharap naman ang dalawang abogado.

 

“Masyadong napapadalas ang pagkikita ng landas natin,” biglang saad noong abogado habang nakatingin nang diretso.

 

“Tayo rin naman ang gumagawa ng mga landas na ‘yon. Malay mo, ikaw pala ang gumawa kaya nagkita na naman tayo, ‘di ba?” casual lang na sagot ni Wayne.

‘I’m definitely sure na kahit sa totoong buhay ay hindi sila magkaibigan. Tama ba? Parang ngayon ko lang nararamdaman ‘yung tensyon sa pagitan nilang dalawa eh. Akala ko pa naman ay sa kaso lang sila magkaaway, mukhang hindi pala.’

 

“I don’t deny that. Anyway, my client and I wants to talk to the both of you regarding the case.”

 

“Okay. But let me remind you and your client first that we are not obliged to accept anything that we’re going to talk about here. My client, Ms. Analeigh Devon has a freedom to refuse and not answer anything.”

 

“I am aware of that.” - Attorney Khalil.

 

“If that so, then you can proceed now. We’re listening.”

 

“We are here to discussed that my client decided to make an agreement to Ms. Analeigh Devon.”

‘Anong ibig sabihin no’n? Na nakikipag-areglo talaga siya sa akin?’

 

“What agreement? Please do emphasize the terms and condition as well.” - Wayne.

 

“Dahil malaki ang pagkakautang ng late father ni Ms. Devon sa kliyente ko na si Ms. Cruz… at dahil ayaw naman niyang ibigay ang lupa bilang kapalit at kabayaran kaya naman gusto niyang baguhin ang kasunduan.”

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon