03

525 21 9
                                    

              Napatingin na lang ako sa mga lata ng alak na ipinatong ng kaibigan ko na si Cattleya, dito sa lamesa na pinag-uupuan ko. Walang salita na inabot ko ang isa at binuksan 'yon.

"Oh, hayan! Naku! Kung wala ka lang malaking problema, sinisigurado ko sa'yo na hindi mo ako maaakit na uminom," sabi niya sa akin at tuluyan na rin siyang umupo sa harapan. Kumuha rin siya ng sarili niyang beer.

Siya nga pala si Cattleya Santa Mesa, isa siya sa kaibigan ko rito sa probinsya. Sa katunayan nga ay nu'ng bumalik lang ako rito, doon na lang ulit kami nagkita ng personal. Pero hindi naman kami nawalan ng koneksyon sa isa't-isa.

Isa siyang guro sa elementarya rito sa lugar namin, kaya nga nagdadalawang-isip din siya nang akitin ko siyang uminom. Siyempre, may iniingatan pa rin siyang pangalan.

"Buti na lang din at Sabado bukas, kaya wala akong pasok sa trababo," dagdag na saad niya pa.

Uminom na lang ako, at halos mangalahati na 'yung beer ko nang hindi ko namamalayan. Lumipas ang ilang segundo ay naramdaman kong nakatingin lang siya sa akin, kaya hindi ko na siya binatuhan pa nang tingin. Mukhang alam ko na kung ano ang iniisip niya.

Baka naaawa siya sa kalagayan ko.

"Ayoko namang pangunahan ka... kaya lang, ang mga abogado talaga ngayon sa siyudad ay talagang mga mukhang pera. Hindi ka nila haharapin kung wala kang maibibigay sa kanila," malumanay na wika niya sa akin ng may pag-aalala, makalipas ang ilang segundo.

Napabuntong-hininga naman ako. Na-ikwento ko na kasi sa kaniya 'yung nangyari kanina, pero ang totoo ay hindi naman talaga 'yun ang problema ko kaya ako nagyaya na mag-inom, kundi ang pagkikita namin ni Wayne.

At ngayon, hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba kay Cattleya ang tungkol do'n. Siyempre, kilala niya si Wayne; kilala niya ito ng personal.

"Alam mo kasi, Leigh, ito ay opinyon ko lang naman, huh. Nasa tamang edad ka na, bente-singko ka na, at normal lang na mag-asawa ka na sa ganyang edad mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yung inaalok ni Pio sa'yo? Matagal na panahon na rin naman siyang naghahabol sa'yo, maraming beses niya na ring napatunayan ang pagmamahal niya," opinyon niya.

Dahil doon kaya binatuhan ko na siyang ng seryosong tingin at saka ako nagsalita, "Hindi ko iiwan ang lupang 'to, Cattleya. Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga sa akin 'to," malumanay rin na sagot ko.

"Sige, doon na tayo sa mahalaga nga ito sa'yo. Kaya lang, mamumulubi ka naman at mai-stress sa pag-iisip kung saan ka kukuha nang malaking pera para mabayaran 'yung abogado na gusto mong hahawak ng kaso mo."

Dahil sa mga sinabi niya, napainom na naman ako ng alak ko.

Kung kanina ay si Wayne lang ang pinoproblema ko, ngayon naman ay dumagdag na rin ang tunay kong problema—ang lupa.

Hays! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Tutal, nag-uusap na rin naman kami ni Cattleya ng mga seryosong bagay... dapat ko na rin sigurong sabihin sa kaniya 'yung problema ko. Isang guro naman siya kaya alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon ko. At saka, wala rin naman akong balak na sabihin sa kaniya ang lahat nang pinag-usapan namin, lalo na 'yung tungkol sa kabastusan na sinabi ng lalaking 'yun.

Ibinaba ko muna 'yung lata ng alak na hawak ko bago ako nagsimulang magsalita, "Ang totoo kasi niyan..." Nakatingin siya sa akin na para bang handa nang makinig sa sasabihin ko, kaya nagpatuloy na ako, "N-Nakita ko si Wayne kanina." Kusang humina ang boses ko bandang dulo.

Muntikan pang masamid si Cattleya dahil sa nakakagulat na balitang 'yon. Napa-ubo-ubo pa siya ng sunod-sunod. Hindi ko na lang siya pinansin at muling lumagok ng alak.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon