KASALUKUYAN lang na nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Almost 10 o'clock PM na pero hindi pa rin ako dinadatnan ng antok. Kahit pagod ako maghapon dahil sa pagma-mall namin ni Zienna ay parang ayaw pa rin akong patulugin ngayon. Hindi lang kasi dress ang ibinili niya sa akin dahil may mga binili rin siya na sapatos, bag at mga alahas na babagay doon sa dress na napili niya para sa susuotin ko sa event. By the way, hindi sumabay sa akin si Wayne sa pagkain ng dinner kanina pero nandito siya sa bahay. Si Manang lang ang nakasabay kong kumain at nabanggit niya sa akin na ganon daw palagi si Wayne, laging busy daw ito lalo na tuwing gabi dahil sa mga kaso na hinahawakan nito.
Bigla ko tuloy naalala 'yung kaso ko sa kaniya... hindi ko pa kasi siya natatanong kung ano na bang update tungkol doon. Pero ngayon na naalala ko na, hahanap na lang ako ng magandang timing para tanungin siya.
Hindi nag tagal ay napagpasyahan ko na nga na matulog. Medyo nakakaramdam kasi ako ng konting gutom kaya napag-desisyunan ko na itulog na lang 'yon. Kokonti lang kasi 'yung kinain ko kanina sa dinner dahil medyo busog pa ako. Kumain din kasi kami ni Zienna sa isang fastfood sa loob ng mall, isang slice din ng pizza 'yun at regular size ng soft drinks kaya kokonti lang talaga 'yung kinain ko. Pero ngayon, mukhang nagugutom na talaga ako at katulad nga nang sinabi ko... itutulog ko na lang 'to.
Nang aktong papatayin ko na sana 'yung ilaw ng lampshade na nakapatong dito sa may bedside table ko ay awtomatiko naman na nag-ring ang phone ko na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Sakto na nakapatong din ang cellphone ko sa may bedside table kaya nakita ko kaagad ang pangalan ng nasa caller ID.
Catleya's calling...
Dahil doon kaya mabilis pa sa isang kisap-mata kong pag-abot ng phone ko at saka agad na umayos nang pagkakaupo ko rito sa kama. Naalala ko na naisip ko nga pala siya kanina sa mall, nag-pasya pa nga ako na tawagan siya pero nakalimutan ko pala, kaya buti na lang at siya ang unang tumawag sa akin.
"Hello?" agad na bati niya sa kabilang linya.
[Hoy babae, bakit hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin huh? Bakit hindi mo man lang ako binibisita?] agad na bungad na tanong ng kaibigan ko sa akin. Medyo natigilan ako sa part na 'yun, doon ko na-realized na mukhang wala pang alam si Catleya kung nasaan ba ako ngayon.
"H-hindi mo ba nakakausap si Pio?" tanong ko pabalik. Mukhang tama nga rin ang hinala ko kanina na hindi pa nasasabi ni Pio sa kaniya ang napag-usapan namin noong nasa probinsiya pa ako.
[Si Pio? Hindi eh, busy ako sa school this past few days kaya hindi kami nagkikita o nagkakausap. Katatapos lang kasi ng exam ng mga estudiyante ko. Actually, katatapos ko lang mag-check ngayon ng mga test papers at naisipan ko na tawagan ka nga. Bakit? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?]
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya sa akin. Alam ko naman na maiintindihan niya ako lalo na at siya naman ang unang tao na napag-sabihan ko ng tungkol doon. Ang problema kasi, si Pio... hindi niya alam na ex-boyfriend ko si Wayne while si Catleya alam niya na may past kami. Once na sinabi ko na nadito ako sa Manila at nakikitira sa bahay ni Wayne, sigurado ako na iba na agad ang papasok sa isip niya. Matalino siya, at alam ko 'yon.
[Wait a minute...]
Biglang napa-angat na ang mukha ko nang marinig ko na siya na nagsalita ulit sa kabilang linya makalipas ang ilang segundo na hindi ako umimik. [Wala ka ba dito sa probinsiya?]
See? Ganyan siya katalino. Malakas din ang instinct niya kaya kahit ilihim ko pa sa kaniya kung ano na ba talaga ang nangyayari ay alam kong malalaman at malalaman niya pa rin. Huminga na lang ako nang malalim at pinili na lang na aminin na sa kaniya ang totoo.
"Yeah. Nandito ako sa Manila ngayon," pag amin ko.
[And? Are you with Wayne? Tinanggap mo na ang alok niya na tumulong sa kaso mo?] Hindi ko maiwasan na mapabuga nang hininga. Sinabi ko pa lang na nasa Maynila ako ay mukhang alam niya na agad kung anong pakay ko dito.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomansaSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...