09

356 12 1
                                    

WAYNE's POV

           I can't help but gaze at Leigh and that man outside of this house when they are getting closer and closer while talking to each other. I'm unsure what they're discussing right now, but it seems serious. Nakaupo ako ngayon dito sa mahabang kawayan na bangko habang nakatanaw pa rin sa labas. I couldn't look at the whole house because I didn't want to take my eyes off Leigh and that man. As I already stated, their talk appeared serious. Nakikita ko kasi 'yung ekspresyon nu'ng mukha nu'ng lalaki habang nakatalikod naman sa may pwesto ko si Leigh kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Hijo, mag-juice ka muna." Nang marinig ko ang boses noong matandang lalaki, doon ko pa lang natanggal ang tingin ko kina Leigh at ibinaling sa lalaki ang aking tingin.

As he brought me the glass of orange juice, I just replied," Thank you, sir."

Tinanggap ko naman 'yun at saka ipinatong na lang muna 'yon sa maliit na lamesa na nasa harapan ko. I'm not that thirsty after all.

"Naku! Huwag mo na akong tawaging 'sir', attorney. Tatay Agustin na lang o Uncle Agustin, okay na sa akin 'yon."

"Okay, Uncle Agustin," magalang na sagot ko.

Ibabalik ko na sana ang paningin ko kina Leigh, pero hindi 'yun natuloy dahil naagaw ng isang may katandaan din na babae ang atensyon ko. Kalalabas lang niya isang kwarto na natatabunan lang ng manipis na kurtina. She was wearing an orange and white duster dress as she threw a gaze at me.

"Oh? May bisita pala tayo?" Tumingin siya sandali sa akin bago ibinaling sa matandang lalaki ang atensyon.

"Ah, oo. Kasama siya ni Leigh, isa siyang abogado."

Dahil nakatingin lang ako nang diretso roon sa matandang babae, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya.

Kumunot bigla ang noo niya at saka sumama ang tingin. Ibinaling niya ang kaniyang mga mata sa may labas ng pinto kung saan matatanaw roon na nag-uusap pa rin sina Leigh at 'yung lalaki. Sumunod din naman ang paningin ko sa may labasan kung saan ay hindi pa rin natatapos ang pag-uusap ng dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan na kahit maging ako ay sumama na rin muli ang ibinabato kong tingin sa mga ito. Fuck! Matagal pa ba silang mag-uusap?

"Hijo." Narinig kong pagtawag no'ng matandang babae sa akin kaya naman awtomatikong naibalik ko na sa kaniya ang aking atensyon. Ngayon ay nakatingin na rin pala siya sa akin kaya agad na nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. "Kung abogado ka, ibig sabihin ay ikaw 'yung magiging abogado ng babaeng 'yon doon sa kaso na isinampa niya kay Ms. Cruz... tama ba?" Mahina lang ang tono ng pananalita niya nang banggitin niya ang mga salitang 'yun.

Medyo lumapit pa siya sa pwesto ko, at saka umupo sa may isa pang kawayan na upuan habang nakaharap sa akin.

Hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig niya sa sinabi niya, pero sinagot ko pa rin siya ng may pagkapormal, "Yes, ma'am."

"Naku! Huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa kaso na 'yan. Kung tutuusin naman ay si Leigh at 'yung pamilya niya talaga ang may mali. Ang laki kaya nang pagkakautang ng tatay niya roon sa matandang babae rito sa bayan namin. At saka, mas mahirap pa 'yan sa daga, wala kang mahihita diyan. Gold digger din 'yan, 'no, maniwala ka, attorney."

"Cynthia! Tumigil ka nga!" biglang saway noong matandang lalaki sa sinasabi ng asawa niya.

Tiningnan siya ng masama noong babae. "Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah. Gold digger naman talaga ang babaeng 'yan. Ginagamit niya nga lang ang Pio natin sa mga pansarili niyang kagustuhan."

"Kusang tumutulong si Pio kay Leigh. Mabait na bata si Leigh, Cynthia. Ano ka ba?" saway pa rin ng asawa.

"Sus. Tumutulong. Ay, ewan! Basta alam ko na ginagamit niya lang ang anak natin, at baka gano'n din ang ginagawa niya rito kay attorney. Mabuti nang malaman na ni attorney ng maaga."

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon