05

517 22 6
                                        

         Matapos ang naging kasagutan ko, diretso lang akong nakatingin sa kaniya at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon niya. Hanggang sa hindi rin naman nagtagal, isang mapaglaro at nakakaasar na ngisi ang pinakawalan niya.

"Good. You didn't disappoint me with your answer. So, let's continue our discussion with YOU... sitting in front of me." Itinuro niya pa ako, bago niya itinuro 'yung bakanteng upuan na nasa may harapan niya.

Napalunok naman muna ako ng laway bago ako sumunod sa gusto niya. Kahit na parang nanliliit na ang tingin ko sa sarili ko dahil sa ginawa kong pagpayag sa kagustuhan niya, naglakad pa rin ako ng may pagmamalaki sa postura ko. Taas-noo akong lumapit doon sa mahabang lamesa, at saka umupo sa upuan na tinuro niya kanina.

Nang makaupo na ako ay may inilabas siya na isang pirasong papel mula sa pinakalikod ng pulang envelope, at saka niya 'yon ipinatong sa may harapan ko.

Bago ko pa man mabasa ang nilalaman ng papel, nagsalita na si Wayne, "I have already made an advance contract because I know you will agree." May pagmamayabang sa tono nang pananalita niya. Muling sumilay rin ang hilaw na ngisi sa kaniyang labi.

Lihim akong napa-irap sa hangin. 'Eh kung hindi pala ako pumayag, eh di napahiya siya? Tsk!' sambit ko na lang sa aking isipan.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at pinasadahan ko na nang tingin ang nakasulat sa kontrata na nasa harapan ko.

"As you can see, it's straightforward and simple to understand the contract that I made."

Tama naman ang sinabi niya. Nakikita ko kasi na halos tatlo hanggang apat lang na pangungusap ang naka-print dito sa papel. "Sundin mo lang lahat nang gusto k—"

"Lahat nang gusto mo?" Pagpuputol ko agad sa sasabihin niya dahil nabasa ko na ang part na 'yon dito sa kontrata. Binatuhan ko siya nang tingin kung saan nakatingin din siya sa akin. "Anu-ano naman ang mga 'yon? Ang dating kasi ay parang hindi malinaw sa akin ang kontrata na 'to. Hindi ba parang dinadaya mo na ako?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay at kusang tinapangan ang tono nang pananalita ko, hindi rin ako umiiwas nang tingin sa kaniya. "Paano kung bigla mo na lang na hilingin na tumalon ako sa tulay kasi 'yon ang gusto mo? O 'di kaya naman ay saksakin ko ang sarili ko? Ibig bang sabihin no'n... kailangan kong sunduin ang mga 'yon?"

Napangisi naman siya sa mga sinabi ko at napatango-tango pa. Para bang naiintindihan niya na ngayon ang ipinupunto ko, at saka unti-unting inabot ang isang ballpen na nakasabit sa kaniyang coat pocket at ipinatanong niya 'yon sa lamesa.

"Hindi mo pa naman napipirmahan kaya pwede mo pang baguhin. Baka kasi may ma-isumbat ka sa akin na unfair ako. So, go on... put everything you want," aniya na para bang hindi 'yun big deal sa kaniya.

Tinanggap ko naman 'yung ballpen at nagsimula nang magsulat doon sa kontrata.

"Dapat lahat nang i-uutos mo sa akin na kailangan kong sundin, hindi makakasakit sa akin—hindi ikakapahamak ko. Kung alam kong masasaktan ako, may karapatan akong tumanggi. Commonsense na lang," sabi ko habang isinusulat ko 'yun sa papel.

Matapos kong maisulat 'yon ay ipinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa. Katulad nang sinabi ko, maikli lang ang nakasulat sa kontrata na 'to kaya natapos ko kaagad.

Medyo nagtaka lang ako dahil wala ng iba pang kasunduan ang nakasulat doon kaya naman binatuhan ko na ulit ng tingin si Wayne.

"Ito lang ba lahat? Ang sundin ko lahat ng gusto mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo pa bang dagdagan?" kaswal lang na tanong niya sa akin pabalik.

"Hindi naman sa gusto ko pang dagdagan, kaya lang... i-iba ang sinabi mo sa akin noong una nating pagkikita, at kasasabi mo lang din sa akin kanina. N-na gagamitin mo 'ko? To fulfill your lustful nights? Bakit hindi 'yon kasama rito?" tanong ko pa.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon