31

208 6 0
                                        

FLASHBACK

           NAKANGITI ng alanganin si Leigh habang nakatingin siya sa harapan ng salamin ng kanilang bahay. Nakausot siya ng light yellow na bestida na talagang pinag-ipunan niya pa upang mabili.Nakalugay din ang kaniyang mid-length na buhok na medyo basa pa dahil halos katatapos niya lang din na maligo. Naglagay na rin siya ng konting lisptick na regalo pa sa kaniya ni Cattleya noong pasko.

”Aba, mukhang may lakad ang anak ko, ah. Saan ang punta mo ngayon?” Agad na napalingon si Leigh sa kaniyang ina ng bigla itong pumasok sa bahay nila. May dala ito na kulay itim na basket kung saan doon nakalagay ang mga pininaw nito na mga damit.

Napangiti si Leigh sa tanong ng kaniyang ina at saka niya ito hinarap.

 

“Pupunta lang po ako kina Wayne, niyaya niya po kasi ako na doon kumain ng hapunan,” sagot ni Leigh habang mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti.

Maging siya ay hindi niya inasahan na ngayong gabi na pala siya yayayain ni Wayne na ipakilala sa parents nito. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng mga sandaling ‘yon.

 

Kinakabahan ako! Kung tutuusin ay hindi ko talaga alam kung paano haharapin ang parents ni Wayne bilang girlfriend niya. Kilala ko na ang Mama at Papa niya, pero nakikita ko lang sila sa tuwing kumukuha si nanay ng labada sa mansyon ng mga Ferrer. Oo, labandera ang nanay ko sa kanila, pero kahit gano’n ay hindi naman ‘yun naging issue kay Wayne. Kahit nga noong una na sinasabi ko sa kaniya na hindi kami nababagay sa isa’t-isa ay ipinagpilitan niya pa rin na ligawan ako. Isang beses ko lang naman na nakita ang parents ni Wayne, kadalasan kasi ay si Wayne at ang kapatid niya lang na si Denise ang talagang nakikita ko na dumadating doon. At ngayon, ipapakilala na ako ni Wayne bilang girlfriend niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mangamba kung magugustuhan ba ako ng parents niya.

“Gano’n ba, mukhang seryosong-seryoso na talaga kayong dalawa ni Wayne sa relasyon niyo ah,” saad pa ng kaniyang ina habang nagsisimula na ito na magtiklop ng damit.

 

Kilala ni nanay si Wayne, at kilala niya ito bilang nobyo ko. Ang parents lang talaga ni Wayne ang hindi pa nakakaalam na may relasyon kaming dalawa.

 

Ngumiti si Leigh at saka siya umupo sa harapan ng ina.

“Maswerte ako kay Wayne, ‘nay. Hindi kasi naging hadlang ‘yung kahirapan natin para magustuhan at mahalin niya ako.” Napangiti na rin ang kaniyang ina sa kaniyang sinabi.

 

“Basta naman na nagmamahalan kayong dalawa ay hindi magiging hadlang ang estado niyo sa buhay. Sa katunayan niyan ay gustihin ko man na anyayahan din si Wayne dito sa bahay natin, kaya lang, alam mo naman ang ama mo.”

 

Hindi na pinaalam pa ni Leigh sa kaniyang ama ang relasyon nilang dalawa ni Wayne. Natatakot kasi siya na baka kapag nalaman ng lasenggero at sugarol niyang ama na may nobyo siya na isang mayaman ay huthutan lang nito ng pera si Wayne. Ayaw naman niyang mangyari ‘yon.

 

“Okay lang ‘yon, ‘nay. Mas mabuti naman talaga alam ni tatay ang tungkol kay Wayne,” tipid na sagot na lang ni Leigh. Sa katunayan ay kaya nga siya makakapunta ngayon sa bahay ni Wayne ay dahil wala ang kaniyang ama. May inuman kasi ito na pinuntahan at tiyak na kinabukasan pa ito makakauwi kaya naman malaya siya ngayon na umalis.

 

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Leigh nang makarating na siya sa bahay ni Wayne ng saktong alas-sais nang gabi. Bitbit niya ang isang puting sling-bag na tig-isang daan lang sa bangketa na kaniyang pinag-ipunan din. Ramdam na ramdam ni Leigh ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso ng mga sandaling ‘yon.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon