34

273 12 4
                                    

     MABILIS na inihinto ni Leigh ang sasakyan ni Wayne nang makarating na siya sa bahay nito. Hindi niya maiwasan na batuhan nang tingin ang binata na wala pa ring malay sa may shotgun seat habang dahan-dahan niya nang tinatanggal ang seatbelt niya.

"Iiwan ko na lang ba talaga siya dito sa loob ng kotse?" Hindi maiwasan ni Leigh na maitanong 'yun sa kaniyang sarili. "Kung iiwan ko siya rito, ibig sabihin ay matutulog siya na ganyan ang pwesto niya? Matutulog siya ng nakaupo? Hindi kumportable 'yon. Baka mamaya, magkaroon pa siya ng stift neck o baka sumakit ang likod niya," dagdag niya pa. Hindi naman masama ang ugali niya para hindi mag-alala sa binata.

'Hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya ng sobra, pero baka hindi siya makapagtrabaho ng maayos kapag may nararamdaman siyang hindi maganda. Eh kung dalhan ko kaya siya ng kumot at unan?'

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Leigh at muntikan niya pang sapukin ang sariling ulo.

"Nasisiraan ka na talaga, Leigh. Hindi ka ba nag-iisip? Kung dadalhan ko nga siya ng unan at kumot dito, eh di malalaman niya na ako ang naghatid sa kaniya dito sa bahay, di ba?" Para na siyang nasisiraan ng ulo dahil sa pagkausap niya sa kaniyang sarili ng mga sandaling 'yon. "Hindi ko pwedeng gawin 'yon dahil ang sinabi sa akin ni Vince kanina ay magagalit si Wayne sa kanila kapag nalaman ni Wayne na tinawagan pa niya ako para lang sunduin ito. Bahala na nga! Iiwan ko na lang siya dito dahil 'yon naman ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng magmagaling," saway niya sa kaniyang sarili.

Lalabas na sana si Leigh ng sasakyan ngunit awtomatiko siyang natigilan nang marinig niya na parang umungol ng mahina si Wayne sa kaniyang tabi. Kunot ang kaniyang noo nang batuhan niyang muli ang binata. Pinagmasdan niya ito kung magigising na ba si Wayne o kung nagkamali lang siya ng narinig.

Sa pagtitig niya sa binata, doon niya nakita na parang bumubuka ang bibig ni Wayne na tila ba ay may sinasabi nga ito.

'Hala! May sinasabi ba siya?'

'Gising na ba siya? O baka naman nag i-sleep talk siya ngayon?'

Dahil na curious si Leigh kaya naman kusa siyang lumapit ng dahan-dahan kay Wayne. Sa paglapit niya ay amoy na amoy niya na ngayon ang amoy ng alak sa buong katawan ng binata. Ngunit, hindi niya na 'yun pinansin pa at inilapit na rin niya ang kaniyang tenga sa bibig ni Wayne.

"Wayne? Anong sinasabi mo? May sinasabi ka ba?" Hinintay ni Leigh na magsalita si Wayne pero wala naman siyang narinig na kahit ano. Doon ay natauhan si Leigh kung ano ang ginagawa niya kaya mabilis siyang lumayo sa binata.

"Ugh! Ano bang ginagawa ko? Hindi ba at dapat umaalis na ako ngayon dahil baka bigla na lang magising si Wayne? Kapag nahuli niya ako, hindi lang ako ang malalagot kung hindi pati na rin si Vince. Masyado pa naman akong nababaitan kay Vince kaya ayokong pagalitan siya ni Wayne. Tama! Aalis na ako!" saad niya sa kaniyang sarili.

Lalabas na sana talaga siya ng tuluyan ngunit naramdaman niya ang mabigat na kamay na biglang humawak sa kaniyang pulsuhan. Awtomatikong nahigit ni Leigh ang kaniyang sariling hininga dahil doon. Pakiramdam din niya ay natuyuan siya ng dugo sapagkat alam niyang si Wayne 'yon.

"Don't leave me." Pabulong man na sinambit ni Wayne 'yon ay klaro naman na narinig 'yon ni Leigh. Hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto, hindi niya alam kung lilingunin na ba niya ang binata o didiretso siya sa paglabas. Pakiramdam niya kasi ay hindi niya kayang harapin si Wayne lalo na at alam niyang gising na ito.

'A-anong gagawin ko? Lalabas na lang ba ako ng basta-basta na parang walang nangyari?'

'Pero paano ko gagawin 'yon kung ramdam ko ang higpit ng pagkakakapit ni Wayne sa may pulsuhan ko.'

'Ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong gagawin ko?'

Hindi pa nga nakakabawi si Leigh mula sa kaniyang pagkakabigla dahil sa unang sinabi ni Wayne nang magsalita nang muli ang binata.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon