KINABUKASAN, maaga akong nabulabog dahil sa sunod-sunod na pagkatok na narinig ko mula sa labas ng pintuan ng aking bahay. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inis, sapagkat ito na ang pangalawang beses na may umiistorbo sa pagtulog ko. Noong una ay dahil sa matandang babae na 'yun na amoy lupa, tapos heto naman ngayon, naulit na naman.
Huwga niyong sabihin na si Ms. Cruz na naman 'yan? Dahil kapag nagkataon, baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at masakal ko na siya gamit 'yung mga gintong kwintas na nakapulupot sa leeg niya. Bwisit!
Pakiramdam ko ay nabibingi na ako sa sunod-sunod na pagkatok na 'yun na walang hinto. Kaya naman kahit tinatamad pa ako na bumangon, wala na akong magawa kung hindi ang tumayo na. 'Wag lang talaga na 'yung matanda na naman na 'yon ang bumubulabog sa akin ngayon, kung hindi ay talagang makakatikim na siya sa akin.
Hindi na ako masyadong nag-ayos ng sarili ko at saka ko tinungo 'yung pintuan. Walang salita na binuksan ko na 'yon, ipinakita ko kaagad ang kunot na kunot na noo ko pati na rin ang matatalim na tingin ko, ngunit awtomatiko akong natigilan at tila'y binuhusan pa ako ng malamig na tubig nang unti-unting makita ng dalawang mata ko kung sino ang kaharap ko ngayon. Hindi 'yun si Mrs. Cruz... si Wayne 'yon!
Diretso siyang nakatingin sa akin at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.
Ukinam! Anong ginagawa niya di—oh shit! Oo nga pala! Sinabi niya nga pala sa akin kahapon na pupuntahan niya ako rito sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yun? Akala ko kasi ay mamaya pang tanghali o hapon siya pupunta, pero hindi pala! Ngayong umaga talaga?!
Bago pa man ako makapag-react ay napansin ko na ang unti-unting pagbaba nang paningin niya sa akin. Nang malaman ko agad kung saan gagawi ang kaniyang mga mata, mabilis kong hinarang ang aking dalawang braso sa may dibdib ko. Wala akong suot na bra, eh! Hindi kasi ako nagsusuot ng bra sa tuwing natutulog ako dahil hindi ako kumportable.
Napansin ko na hindi niya na itinuloy pa ang pagbaba nang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. Alam niya rin kasi na hindi ako nagba-bra e. Hindi ko lang sigurado kung naaalala niya pa ba 'yun, o hindi. Ang mahalaga ay natabunan ko na 'yon agad.
"Sana man lang tumawag ka bago ka pumunta rito. Alam mo naman ang number ko dahil tinext ko nga sa'yo ang address na 'to, 'di ba?" walang emosyon na saad ko, pero mababakas ang pagkasungit sa tono nang pananalita ko sa kaniya.
"What for? Sinabi ko naman sa'yo ang tungkol doon kahapon," walang emosyon na saad din niya pabalik. Lihim na lang akong napairap bago ko siya muling batuhan nang tingin. Magsasalita sana ako, kaya lang naunahan niya na akong umimik. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya.
Napalunok naman ako ng laway dahil doon. Kung sa bagay, nagmumukha nga akong bastos sa ginagawa ko sa kaniya ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at binuksan ko na lang nang malaki 'yung pintuan para makapasok siya. Matangkad siya masyado kaya naman kailangan niya pang yumuko ng konti para hindi siya mauntog sa kaniyang pagpasok. Sinundan ko lang naman siya nang tingin. Nang tuluyan na siyang nakapasok, ay hinayaan ko lang na nakabukas 'yung pinto ng bahay. Baka kasi mamaya ay may mga tsismosa na diyan sa paligid ko, at baka magawan lang ako ng kwento kung sakaling isasara ko pa 'yung pintuan. Maganda na 'yung nag-iingat.
"Maupo ka," saad ko pa sa kaniya nang harapin ko na siya ulit. Nakita ko kasi na nakatayo pa rin siya at saka nakayuko pa rin ng konti. Pasensiya na, okay? Mababa lang ang kisame nitong bahay. Talagang ginawa lang ito para sa maliit lang na tao katulad ko, at hindi para sa kapreng tulad niya.
Hindi naman ako pandak. Haggang itaas naman ng balikat niya ang taas ko kahit papaano. Sadyang masydong matangkad lang siya para rito sa bahay namin.
Nakita ko pa ang ginawa niyang paglingon sa may likuran niya para makita kung may mauupuan ba siya roon. Sakto naman na nasa may maliit na hapag-kainan siya kaya may upuan na nakapwesto ro'n. Dahan-dahan siyang umupo, tila ba ay sinusigurado niya na hindi 'yun masisisra. Tsk. Kapre kasi!
![](https://img.wattpad.com/cover/249295106-288-k600760.jpg)
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomansaSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...