Kasalukuyan lang na ini-init ni Leigh ang pagkain na niluto ni Manang para sa kanilang dinner para sa gabing ‘yon. Wala na sana siyang balak na kumain dahil pasado 11 na nang gabi, kaya lang hindi naman siya makatulog dahil sa gutom. Habang hinahalo niya ang nilagang baboy na ulam, hindi niya maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina.
Bakit nga kaya atat na atat si Denise na magpakasal na si Wayne? At sa kabila no’n, bakit nga ba ayaw pa ni Wayne na pumasok sa isang relasyon? Dahil ba masyado talaga siyang busy sa kaniyang trabaho? Pero tama rin naman kasi ang sinabi ni Wayne kanina, bakit iispin ng ate niya ang pagpapakasal niya at ang pagkakaroon niya ng relasyon kung maging ito ay wala ring karelasyon. Ang gulo naman nilang magkapatid. Alam kong may part na hindi ko maiintindihan ang sitwasyon na ‘to dahil wala naman akong kapatid. Wala namang taong pwedeng mag-alala sa akin dahil nag-iisa lang ako.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya na sana siyang mag-sandok muna ng kanin habang hinihintay na kumulo ang ulam, kaya lang awtomatiko siyang natigilan ng may marinig siyang yabag ng paa na parang papasok sa may kusina kung nasaan siya. Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam siya ng kaba.
‘Sigurado ako na si Wayne ‘yun dahil kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon sa bahay.’
‘Bakit kaya gising pa siya?’
‘Akala ko naman ay natutulog na siya dahil noong nadaanan ko ‘yung kwarto niya bago ako pumunta dito sa kusina ay tahimik naman. Inakala ko na mahimbing na siyang natutulog. Hindi rin niya nga halos namalayan na nakarating na ako kanina dahil noong nagpasya na akong pumasok ay saktong pumasok naman siya sa kaniyang kwarto at hindi na lumabas pa.’
‘Nagugutom din kaya siya?’
At hindi nga nagtagal ay nakita na nga ni Leigh ang pagdating ni Wayne kung saan ay nakita niyang awtomatikong napa-preno ang binata sa aktong pagpasok nito sa kusina. Agad din na nagsalubong ang kanilang mga mata. Lihim na napalunok si Leigh at pinipilit ang sarili na kumalma.
‘Siguradong hindi niya inaasahan na makikita niya ako rito ngayon.’
‘Ang awkward naman ng senaryo na ‘to pero ano naman ang magagawa ko, ‘di ba?’
‘Pamamahay niya ‘to at nakikitira lang ako.’
‘Baka nga nagugutom siya. Ayoko naman na dagdagan ang inis na nararamdaman kung sakaling hindi ko siya papansinin. Sigurado rin ako na hindi niya alam na may alam ako sa mga nangyari kanina.’
‘Kaya sige, magpapakabait muna ako ngayon at ako ang unang magsasalita.’
“G-gising ka pa pala. Hindi ka pa rin ba nagdi-dinner?” mahinahon na tanong ni Leigh habang diretso siya na nakatingin kay Wayne.
“Kailan ka pa nakauwi?” tanong naman sa kaniya ng binata.
‘Yun talaga agad ang tinanong niya? Tama pala ang hinala ko na hindi niya namalayan ang pag-uwi ko kanina.’
“Hmm. Kanina pa. Akala ko nga ay wala ka pa dahil sabi mo male-late ka ng uwi,” sagot naman ni Leigh. Nang mapansin niya na mukhang hindi na magsasalita si Wayne kaya nagsalita na siyang muli, “Gusto mo bang kumain? Hindi na rin sana ako kakain dahil late na, pero gutom na talaga ako eh.”
‘Parang ang casual ba nang pakikipag-usap ko sa kaniya? Sana naman hindi masyadong halata. Gusto ko kasi na parang normal lang na kinakausap ko siya, kahit ang totoo ay napakadalang naman naming magka-usap noon.’

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
Storie d'amoreSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...