23

236 6 1
                                    

           Huli na nang mapansin ko na hinihila ako ni Wayne palabas ng mismong event hall kung saan wala na akong masyadong nakikita na mga tao sa paligid. Lumabas kami sa parang isang backdoor at may madilim na hallway. Hindi maliwanag ang dinadaanan naming dalawa dahil malayo 'yung poste na merong ilaw... pero alam ko na daan 'yun papunta sa toilet. Rinig na rinig ko ang bawat ingay na ginagawa ng heels ko na tumatama sa tiles na sahig na nilalakaran naming dalawa. Gaya nang sinabi ko, walang ibang tao roon na nagiging dahilan kung bakit dumadagdag 'yun sa kaba na nararamdaman ko.

Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng konti kapag nararamdaman ko ang bawat paghigpit nang kapit ni Wayne samay mismong pulsuhan ko pero hindi ko magawang bawiin 'yun dahil umiikot na nga ang paningin ko.

Makalipas ang halos ilang minuto, marahas na binitawan ni Wayne ang kamay ko na medyo ikinagulat ko. Rinig ko ang malakas na pagbuga niya nang hininga kasabay nang mabilis na pagluwag niya sa necktie na suot niya.

He face me with so much enraged in his eyes. "Are you really trying to check how long my patient is to you? Huh?"

Dahil nakakaramdam nga ako ng konting pagkahilo kaya naman kusa kong isinandal ang likuran ko sa malamig na pader na nasa tabi ko kung saan ay hindi ko 'yun ininda. Nilabanan ko ang masamang tingin sa akin ni Wayne. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak na nainom ko kaya malakas ang loob ko na ngumisi pa sa kaniya kahit na nakikita kong nag-aapoy na siya sa galit ngayon habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Maybe yes. And now that I already check it, it's not really that long," I sarcastically answered.

Nakita ko ang awtomatikong pagkunot ng noo niya sa naging kasagutan ko. I think, it's really the alcohol why I have this courage to talk back to him.

"Buti naman at aware ka na hindi gano'n kahaba ang pasensiya ko sa'yo, Leigh!" Halos hindi bumuka ang labi ni Wayne nang sabihin niya ang mga kataga na 'yun sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at binatuhan siya nang tingin na para bang wala akong alam sa sinasabi niya. "May ginawa ba akong mali?"

"Ask yourself then... did you do something wrong?"

"I don't."

He furrowed. "What? And now you're lying to me. Great!" Isang singhal na naman ang pinakawalan niya.

"Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako? Alam ko kung anong sinabi ko at uulitin ko 'yun ulit sa'yo: wala akong kasalanan o maling ginawa."

Mabilis akong napapikit nang mabilis niyang sinampal ang pader malapit sa may mukha ko na naging dahilan kung bakit 'yun naglikha ng tunog. Kusa kong nahigit ang sarili kong hininga sa ginawa niya at nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, doon ko nakita na ang lapit ng mukha niya sa akin. Sapat ang lapit niya upang makita ko na nagpipigil pa rin siya ng kaniyang galit.

"Wala? Pero may kausap kang ibang lalaki? Hindi ba at 'yun din 'yung lalaking tinititigan mo rin kanina? Hindi ba mali 'yon? Yun ba ang tinutukoy mong hindi mali? Huh? Leigh?"

Dahil sa sinabi niya kaya napangisi na rin ako. Hinarap ko siya kung saan ay kapansin-pansin na wala akong takot na nararamdaman kahit konti ng mga sandaling 'yon. Naging mas konti ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't-isa pero hindi ko 'yun pinansin at saka nagsimula nang magsalita, "Ah. Okay. Masama na pala ang makipag-usap sa isang tao matapos mo kong iwan at sabihin na hindi mo ko kasama. Lumayo ka nga sa akin!" At mabilis ko siyang itinulak papalayo kaya naman napa-atras siya. Nabigla siya sa ikinilos ko pero hindi pa ako tapos kaya muli akong nagsalita, "Nagtataka nga ako kung bakit bigla mo na lang akong hinila papalabas ng hall samantalang itinanggi mo naman na wala kang kasama ngayong gabi." Pumalakpak pa ako ng sunod-sunod. Kahit na nahihilo na ako dahil alam ko sa sarili ko na lasing na talaga ako ay hindi pa rin ako tumigil. "Puntahan mo na lang 'yung babaeng kausap mo kanina at hayaan mo na ako. Tutal, mag-isa lang din naman akong pumunta rito. Hindi ba?" singhal na saad ko sa kaniya.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon