54

185 9 1
                                    

             Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.

Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.

 

Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.

 

“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang mga mata ko sa kalsada. Nakasunod ako ngayon sa sasakyan nina Oliver.

Mabagal lang ang takbo ng kotse namin dahil nga pinagbawalan din ako ni Wayne na bilisan ang pagmamaneho.

 

“Bakit ka pumayag na hindi man lang nagsasabi sa akin?” seryoso ang tono ng boses niya.

 

Sabi ko na nga ba at isa ‘yon sa ipinupuntok ng butchi niya, eh.

“Unang-una, iisipin ko pa ba na magpaalam sa’yo? Siyempre, nasa harapan tayo ng mga kaibigan mo na ang alam nilang lahat ay kliyente mo ‘ko. May kliyente ba na humihingi pa ng permiso sa abogado niya?”

 

“They are just being  playful and sarcastic, okay? Alam nila na hindi lang kita kliyente.”

 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano? Anong ibig mong sabihin? Kliyente mo lang naman talaga ako, eh. Malay ko ba kung anong iniisip nila sa akin.”

 

Narinig ko ang mahinang pag ‘tsk’ ni Wayne sa tabi ko. Mukhang napipikon siya.

“Really? Letting you stay in my house? Living under the same roof? My friends are not stupid to think that you are really JUST my client, Leigh.” Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagpihit niya ng konti sa kaniyang inuupuan para harapin ako.

 

Lihim na lang akong napalunok dahil hindi ko magawang humagilap ng mga salita sa isipan ko na pwede kong isagot sa kaniya. Masyado na siyang seryoso ngayon.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Na totoong hindi lang niya ako kliyente? Eh, wala naman talaga kaming relasyon. Pati ako naguguluhan, eh!

 

“Ah, basta! Katulad nang sinabi ko, hindi ko alam kung anong iniisip nila sa akin, okay? Malay ko ba kung paano sila mag-isip… hindi ko naman sila kaibigan. Halos kanina ko nga lang nakilala ‘yung tatlo, eh…” Pa unang saad ko kay Wayne. “At isa pa, gusto ko lang naman talagang pumarty. Masama ba ‘yon?”

 

“I’m not saying na masama ‘yon,” mahinahon na ngayon ang boses niya pero halata pa rin doon ang tampo.

 

“Good. Dahil hindi naman talaga masama ‘yon. Kasama naman kita, eh. At saka, kung magce-celebrate ka kasi natapos mo na ‘yung kaso na ini-imbestigahan mo, gusto ko lang din naman na magpaka-happy kasi… kasi umalis na ako sa trabaho gaya ng gusto mo. ‘Yon din ang dahilan kung bakit maaga akong umuwi.” Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang tungkol sa balitang ‘yon.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon