May ngiti sa labi ni Leigh habang naglalakad na siya pauwi ng bahay ni Wayne. Wala siyang pamasahe kaya naglakad lang siya ulit, pero okay lang ‘yun dahil masaya naman siya sapagkat natanggap siya sa trabaho. At dahil masaya siya at malaki rin ang pasasalamat niya kay Pio dahil ito ang tumulong sa kaniya na makahanap nang mapapasukan na work kaya tinawagan niya agad ito para ibalita ‘yon.
“Hello, Pio?” May ngiti sa labi ni Leigh nang mag-activate na ang tawag niya.
[Oh, Leigh. Napatawag ka? Anong balita? Natanggap ka ba?]
“Oo. Natanggap ako, at salamat ‘yun sa’yo?”
[Talaga? Masaya ako na malaman ‘yan.]
“Ang bait rin ng boss ko, si Ma’am Sammie.”
[Oo, mabait talaga ‘yan. Siya ‘yung tinutukoy ko sa’yo na naghahanap nga ng empleyado sa kaniyang maliit na restaurant. So, kamusta, nagsimula ka na ba kanina?]
“Hmm. Tumulong lang ako ng konti sa pagse-serve kanina pero hindi talaga server ‘yung vacant nila kaya hindi ‘yun ‘yong trabaho na nakuha ko,” sagot ni Leigh.
[Eh ano pala?]
“Delivery na lang daw ‘yung bakante. Pumayag naman ako agad kasi wala namang problema sa akin ‘yon. Marunong din naman akong magmaneho ng scooter at may lisensiya rin naman ako.”
[Ganon ba? Hindi ba parang delikado naman ‘yun sa’yo lalo na at babae ka?] Halata ang pag-aalala sa tono nang pananalita ni Pio sa kabilang linya kaya hindi maiwasan ni Leigh na mapangiti.
“Ano ka ba. Kaya ko ‘yon ‘no. Para namang hindi mo alam na mas mahirap pa ang trabaho natin noon sa Palawan kumpara rito,” paliwanag ni Leigh.
[Pero hindi ba at kadalasan ay puro lalaki ang nagde-deliver at hindi babae? Gusto mo ba na pakiusapan ko si Sammie na ipasok ka na lang niya bilang waiter or dishwasher. Mas ligtas kasi ‘yon.]
“Huwag na, Pio. Kaya ko na ‘to, promise! Kung tatanggihan ko ‘to at magiging mapili pa sa trabaho, baka mas lalong mawalan ako. Kaya ‘wag ka nang mag-alala.”
Narinig pa ni Leigh ang pagbuntong-hininga ni Pio hanggang sa magsalita na rin ang binata.
[Sigurado ka ba talaga diyan?]
“Oo naman.”
[Eh kailan ka naman magsisimula?]
“Kinabukasan pa ang unang araw ko bilang delivery personnel dahil nasa pagawaan pa raw ‘yung motor. Pinapapalitan pa kasi ng gulong. Hindi rin naman ako inobliga ni Ma’am Sammie na pumasok bukas.”
[Gano’n ba. Basta palagi kang mag-iingat. ‘Yung helmet, ‘wag mo laging kalilimutan na isuot, mahalaga ‘yon.]
“Oo. Hindi ko kakalimutan. Tumawag lang din talaga ako para ibalita ‘yon sa’yo. Maraming salamat ulit,” nakangiting saad pa ni Leigh.

BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...