Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.
Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.
Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”
Napalunok ako ng laway at hindi agad nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na pupunta akong banyo, pero maging ako ay hindi ko alam kung nasaan na ba talaga ako o kung nasaan ba talaga ang CR ng bar na ‘to.
“Wait. Are you already drunk?” Marahan niya sana akong hihigitin pabalik sa kaniya pero kusa akong nagpabigat upang hindi niya ‘yon magawa. Dahil kaliwang kamay niya ang nakahawak sa aking braso, mabilis niya ‘yong nabitawan nang binawi ko ‘yon mula sa kaniya.
“H-Hindi. Pupunta lang akong banyo,” sagot ko.
Buti na lang at hindi masyadong malakas ang tugtog sa background kaya nagkakarinigan pa rin kaming dalawa kahit halos isang braso ang layo ko mula sa kaniya.
“Okay. I’m coming with you. Marami ng lasing sa paligid. Hindi ako kumportable na pumunta ka roon ng mag-isa,” seryosong sabi niya. Hindi na rin naman ako tumanggi pa sa alok ni Wayne dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang CR.
Kusa na lang napababa ang tingin ko sa kamay ko nang hawakan niya na naman ‘yon. Wayne was holding my hand while he’s leading the way. Muli akong napalunok ng laway nang makaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Naalala ko na naman ang mga narinig ko mula sa kaibigan niya.
“Go on. I’ll wait for you here outside.” Malambing ang boses ni Wayne nang sambitin niya ang mga kataga na ‘yon nang makarating na kami rito sa banyo.
Lihim na lang napa-igting ang panga ko nang tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago ako tuluyang pumasok sa loob. May ilang mga babae na nasa loob, nagre-retouch ng kanilang mga make-up, pero hindi ko na ‘yon pinansin pa dahil dire-diretso na akong pumasok sa isang bakanteng cubicle.
Napaupo ako sa bowl at kusang itinabon ang kanang kamay ko sa bibig ko upang pigilan ang kakawala na mga hikbi roon dahil kusa nang tumulo ang mga luha ko. Ang kaliwanang kamay ko naman ay humawak sa may dibdib ko dahil ramdam ko ang kirot at bigat no’n.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ‘to. Basta isa lang ang sigurado ako… sobra akong nagi-guilty.
Walang ideya si Wayne sa nangyari sa akin, at wala rin naman akong ideya sa nangyari sa kaniya noong nagkahiwalay kami. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang naidulot ko sa kaniya, basta alam ko na masakit ‘yon—masakit na masakit.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomanceSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...