10

378 18 2
                                        

           We arrived at my house at precisely 1:30 PM, our arrival delayed by the traffic we encountered upon entering Manila. As I parked the car in the garage, I noticed Leigh gazing out of the window, her eyes fixed on something distant as if she were stargazing in the midst of the bustling city.

I stopped my car and was the first one to unbuckle my seat belt. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagsunod niya sa pagtanggal din ng kaniyang sariling seat belt. Nang tuluyan akong lumabas ng kotse, sumunod din siya agad.

"Follow me."

"Teka, kukunin ko muna 'yung gamit ko sa trunk." Pigil niya.

"Let me help you," I insisted.

Hindi ko na hinintay pa na makapagsalita siya dahil nauna na ako sa kaniya na makalapit sa likuran ng kotse ko. Kinuha nga namin doon ang gamit niya, at pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa pagpasok ng bahay ko.

Upon entering, my attention was captured by the sight of someone seated in my living area, casually enjoying a snack. As soon as he noticed me, he paused, a startled expression crossing his face. Napatigil pa siya mula sa pagsubo ng kinakain niya, at saka napalaki pa ang mata. I couldn't help but frown at him. It's Alexander Fraz, one of my friends who owns Fraz Airlines.

Bago pa man ako makapagsalita, napansin ko na ang pagtingin niya sa gilid ko kung saan ay alam kong si Leigh ang tinitingnan niya. Sisisigawan ko na siya para tanungin kung anong ginagawa niya sa bahay ko, ngunit hindi na naman 'yun natuloy dahil may isang boses na naman ng lalaki ang biglang sumulpot mula sa may mini bar ko.

"Alexander. Ano bang gusto mo rito sa dalawang wine? Ikaw na lang ang pumil—Wayne!" I let out a heavy sigh and instinctively massaged the bridge of my nose.

Katulad ni Alexander, nabigla rin si Kai nang makita ako. Well, dapat lang talaga na mabigla sila dahil nahuli ko sila sa akto na nandito sa loob ng bahay ko na kung saan wala akong kaalam-alam. I caught them right handed! What the fuck!

"For God's sake! What the fuck?! What the hell are you two doing in my house?!" I exclaimed. "Alam niyo ba na pwede ko kayong kasuhan nang trespassing... and theft!" I said those words as I directed a piercing gaze at both of them. Did they take my legal profession as a joke? Ano 'to? Biruan lang na isa akong abogado?

Kai hastily hid the two bottles of wine he was holding behind his back, fully aware that I was referring to him as the potential thief. Ngayon niya pa talaga itatago kung kailan nakita ko na?

Agad din naman na ibinaba ni Alexander ang hawak niyang bowl na may lamang snack sa coffee table na nasa harapan ko, at saka siya nagsalita, "Theft? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Wayne? How dare you! Para namang hindi mo kami kaibigan niyan." Punong-puno nang kadramahan ang tono ng boses niya. Humawak pa siya sa dibdib niya na para bang nasasaktan siya.

Muli na naman akong napahilot sa sentido ko. Napakadrama talaga ng lalaking 'to.

"Whatever! You're being overly dramatic. Umalis na nga kayo sa bahay ko! Ngayon na!" Inis na saad ko pa sa kanila, ngunit hindi man lang sila natinag sa pinagkakaupuan at pinagkakatayuan nila ngayon.

Mas lumapit lang lalo si Kai sa may sala habang nakatingin siya kay Leigh. Hindi nagtagal ay sa akin naman niya ibinaling ang atensyon niya at nagsalita.

"Wait. Sino 'yang kasama mo?" tanong ni Kai, halata sa boses niya ang pagkakaroon ng interes na malaman ang babaeng nasa tabi ko.

Sasagot pa lang ako pero biglang nagsalita rin si Alexander. "Girlfriend mo na naman? Let me guess, Samantha? Or Lovely?"

"Hindi 'yon. Iba 'to, bago 'to. Nakita ko na si Sam at Lovely dati, eh," panggagatong pa ni Kai na tila'y napapa-isip din.

Their words hit me like a punch to the gut, and I shot them a lethal glare. What the fuck! What were they implying? That I had a rotating carousel of girlfriends? I couldn't believe the audacity of these two idiots. Parang gusto ko tuloy silang ibaon ng buhay ngayon sa pinagkakatayuan nila.

"What the fuck are you two saying? She's—"

"Hindi niya ako girlfriend. Hindi ako si Samantha, o Lovely... Leigh ang pangalan ko." Pagpapakilala ni Leigh sa sarili niya kaya hindi na naman natuloy ang sasabihin ko.

Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Tiyak na iniisip na ni Leigh na ang dami kong babae.

Napansin ko ang mabilis na pagkakatinginan ni Alexander at Kai sa isa't-isa, pero agad din nilang ibinalik kay Leigh ang atensyon nila.

"Leigh? I think I heard your name before," Kai said.

"Ano ka ba, Kai? Ulyanin ka na ba? Si Leigh... siya 'yung ex-girlfriend ni Wayne, 'di ba? 'Yung girlfriend niya noong fourth year high school tayo," biglang saad naman ni Alexander.

Wait! What?! Holy shit! How does he remember that?

Hindi ko tuloy napigilan ang sariili ko na pasimpleng batuhan nang tingin si Leigh sa gilid ng mga mata ko. Doon ko nakita na diretso lang siyang nakatingin sa dalawang kaibigan ko na parang nabibigla rin sa mga naririnig niya. Damn it!

"Ahhh. Oo nga! Natatandaan ko na! Naghiwalay sila bago tayo mag-college. Siya 'yung iniyaka—"

"FUCK! ENOUGH!" I exclaimed loudly and angrily.

Napatigil na sila sa pagsasalita. Alam ko kasi na hindi na maganda ang mga susunod na sasabihin nila tungkol sa akin, kaya naman napasigaw na ako. Buti na lang at tumigil na sila ngayon sa sinasabi nila kaya muli na ulit akong umimik. "Ano bang sinabi ko? Hindi ba at pinapaalis ko na kayo kanina pa? Get out of my house now! She's my client so we have a small meeting to make!" madiin na saad ko.

Agad naman silang sumunod sa sinabi ko dahil seryoso na talaga ako. Hinigit na ni Kai si Alexander, ngunit bago pa man sila tuluyang lumabas, tumigil muna silang dalawa sa harapan namin habang nakatingin sila kay Leigh. I think they were just looking at her face. As far as I could recall, they didn't know her personally, only her name.

"Wayne's type nga. Nice to meet you, Leigh! Alexander nga pala" He greeted Leigh with a friendly smile

"Ako naman si Kai. It's good to meet you too. I hope to see you around!" Pagpapakilala din ni Kai bago niya itinulak na si Alexander para makalabas na silang dalawa ng bahay ko.

Pagkalabas nila ay napahilot na lang ulit ako sa sentido ko. Mga ilang segundo rin 'yon bago ko hinarap si Leigh na ngayon ay parang naiilang na harapin ako.

"Follow me upstairs," I instructed her curtly, turning around and ascending the stairs ahead of her. Pagka-akyat namin sa second floor, dumiretso ako sa isang bakanteng kwarto. I opened the dark gray door and turned my gaze to her. "Starting today, this will be your room," I said nonchalantly.

Napansin ko ang ginawa niyang pagsilip sa loob ng kwarto kaya naman mas lalo kong nilakihan 'yung pagkakabukas ng pintuan no'n.

"H-hindi ba masyadong malaki ang kwarto na 'to para sa akin?" saad niya, binatuhan niya pa ako nang tingin kaya agad na nagkasalubong ang mga mata namin.

"No. You deserve this." I said without any emotion in my voice while still looking directly at her eyes. "I want to invest in you, ensuring that every interest is worth it. If you catch my drift, that's it! Just so you know, Ms. Analeigh Devon, I am now investing in you. You have my full attention and effort. This is my way of demonstrating how carefully I handle my properties, and that includes you."

I know she's not that stupid not to understand what I said. I could tell she was taken aback by the weight of what I had just said, so I continued, breaking the silence.

"For now, you can rest and make yourself comfortable. Do whatever puts you at ease. I need to head to the office, but I will return later in the evening. A caretaker will arrive shortly. Kung may kailangan ka, sa kaniya ka lang magsabi." Hindi ko na rin hinintay pa ang isasagot niya dahil tuluyan ko na siyang tinalikuran para umalis.

-------------------------------------------------

:))

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon