Pag-uwi ni Leigh ay wala na si Manang Fracia. Nalaman din niyang wala pa si Wayne dahil hindi niya nakita na nasa parking lot ang sasakyan ng binata.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya siyang umakyat sa kanyang silid. Ngunit, nang hahakbang na sana si Leigh sa hagdan ay tumunog ang kanyang cell phone na agad niyang kinuha sa kanyang bulsa.
Nanlaki ang mga mata ni Leigh, at medyo natigilan din siya nang mabasa ang pangalan ni Wayne sa screen ng phone niya. Mabagal na tumibok ang puso ni Leigh sa hindi niya malamang dahilan.
'Teka, bakit niya ako tinatawagan?'
'After a few days of not talking to me, tatawagan na niya ako ngayon?'
'Sasagot ba ako o magpanggap na lang na tulog na ako?'
'Kaya lang, kapag ginawa ko ‘yon, baka magalit lang siya lalo. Baka mamaya ay emegency pala itong tawag dahil hindi naman siya tatawag sa akin knowing na hindi ito mahalaga.’
‘Bahala na nga!’
"H-hello" Agad na sagot ni Leigh sa kabilang linya.
[Hello, is this Leigh?]
Nanlaki ang mga mata ni Leigh, at kumunot ang noo niya nang marinig ang hindi pamilyar na boses sa kabilang linya. Tiningnan pa niya ang caller ID, at baka nagkamali lang na si Wayne iyon, pero number talaga iyon ni Wayne.
"Y-yes, speaking. S-sino to?"
[I'm Vince Francisco, one of Wayne's friends.]
"Ah. B-bakit ka napatawag? Nasaan si Wayne? May problema ba?" tanong niya.
[Kasama ko siya ngayon, pero lasing na lasing talaga siya. Can you please come and pick him up?]
Huh? Lasing si Wayne? Sa pagkakaalam ko, hindi siya yung tipo na talagang nagpapakalasing to the point na hindi niya na kayang intindihin ang sarili niya. At ano ang sinabi niya? Sunduin siya? Ako?
"I'm sorry, p-pero wala akong sasakyan."
[Oh. But you know how to drive?]
"Oo," agad niyang sagot. Marunong naman talaga siyang magmaneho dahil minsang pinapagamit ni Pio ang pickup nito sa kaniya noong nasa Palawan pa sila. Marunong din siyang magmaneho ng motorsiklo.
[That's good to hear. Do you have a driver's license?] tanong ulit ng binata sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ni Leigh. "Oo. Bakit mo tinatanong?"
[Like I’ve said, can you fetch Wayne here? I can't take Wayne in my car because we can't leave his car. He will use that tomorrow when he goes to work so we really can’t. He will throw a fit at us when he doesn't have a car to use tomorrow.]
Oo nga pala, Lunes na bukas. Hays. Alam niyang may pasok siya bukas, pero uminom pa rin siya ng sobra ngayon? Hays! Ang labo niya talaga.
BINABASA MO ANG
SN 4: The Law of Lust
RomantizmSINFUL NIGHTS Series 4 R-18 | Mature Content "Be mine again and fulfil my lustful nights." ~ Wayne Harden Ferrer Wayne Ferrer is the hottest Attorney of the country. He is one of the best of the best lawyer in his own firm that's why they called...