50

179 8 2
                                    

         Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.

 

“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.

Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon.

Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.

 

Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may isang kamay ang biglang pumatong sa kamay ko at tila ba ay tinulungan niya pa ako na pihitin ‘yon. Hindi ko na nilingon kung sino ‘yon, kilalang-kilala ko naman siya base sa pabango niya na naamoy ko.

Babawiin ko pa lang sana ang kamay ko mula sa kaniya at saka magsasalita, ngunit agad niya nang hinila ang kamay ko para sabay kaming makapasok sa loob ng kwarto ko. Sa bilis nang paghila niya ay kusang nabitawan ko ang sling bag na bitbit ko.

Hindi ko pa nga napagtutuunan nang pansin ang bag ko na nalaglag, kusang nanlaki na lang ang mga mata ko nang pagkasarado niya ng pintuan ay mabilis pa sa isang kisap-mata na isinandal niya ako roon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

 

Nahigit ko ang sarili kong hininga nang magtama ang mga mata naming dalawa. Napalunok ako ng laway nang makita na titig na titig siya sa akin. I can see in his eyes the longing and desire that ignite lust within my veins.

 

“I can’t hold it anymore, Leigh. Please be mine, willingly... tonight,” he said huskily before claiming my lips.

Noong una ay nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat, buong-akala ko pa ay aangal ang katawan ko roon… pero akala ko lang pala. Walang pagtutol na tinugon ko ang halik ni Wayne. Mabagal niyang ninamnam ang labi ko at gano’n din naman ang ginagawa ko sa kaniya.

Malaya kong itinaas ang dalawang kamay ko at dinala ‘yun sa kaniyang batok. I grabbed a handful of her hair into my right palm while kissing him passionately.

Ibang-iba ang halikan namin ngayon kaysa sa kung paano niya ako hinalikan noong unang gabi na may nangyari sa amin. Gusto kong maiyak sa pagitan ng labi niya.
Kung noong una ay ang labi niya lang ang pamilyar sa akin, pwes ngayon, pamilyar na rin sa akin ang paraan ng paghalik niya. Ito ‘yung labi ng Wayne na nakilala ko noon. Kahit halos limang taon na ang nakakalipas, tandang-tanda ko pa rin kung paano hagudin no’n ang labi ko.

Ako na ang kusang nagpasok ng dila ko sa loob ng bibig niya. Tinugon niya ‘yon sa pamamagitan nang paghagilap niya rin sa dila ko gamit ang sa kaniya.

 

Hanggang sa maya-maya pa naramdaman ko na lang ang kamay ni Wayne na umaangat patungo sa pinaka-unang butones ng suot kong itim na blusa. Napalunok ako sa pagitan ng hindi pa rin napuputol na halikan namin.

Hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Buong-akala ko nga ay tatanggalin niya ‘yon lahat, ngunit nang matanggal niya ang unang limang butones, huminto na siya at ibinuka na lang ‘yon. Tumambad na sa kaniya ngayon ang itim na bra na suot ko.

SN 4: The Law of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon